23

16 3 19
                                    

Kiana's POV

"Ayan na yung order natin. Yey, kakain na!" parang hindi pinapakain tong si Chester sa bahay nila, ang oa niya

"Chester para kang patay gutom. Hindi ka ba pinapakain sainyo?" napairap nalang si Chester sa sinabi ni Axia

"Ang sama mo talaga!" napanguso pa na parang bata si Chester

Oo nga pala, sensitive tong lalake na to.

"Charot lang, sige na, kain ka na. Baka gutom ka na!" bawi ni Axia dito, naisip niya rin siguro na sensitive si Chester

Kahit loko loko yang si Chester, sensitive siya. Childish pa.

"Ocakes!" ayan, masaya na ulit siya

Kumain na kami at hindi ayun, tumahimik na ang mundo. Wala ni isa ang nagsalita. Siguro dahil gutom kaming lahat kaya nagfocus nalang kami sa pagkain.

Pero charot, syempre ang ingay namin. Ang daming kwento ni Chester, hindi siya nauubusan. Tungkol sa kanya, sa banda nila, tas sa nanay at tatay niya, pati na sa kapatid niya. Buti nalang at hindi siya nakakaboring magkwento kaya kahit kumakain kami ay patawa-tawa kami.

"Get some sleep na muna then mamayang alas sais eh we'll eat dinner then gala na tayo after." Heizy said and tumango naman kami

Feeling ko eh hanggang midnight na kami gagala kaya pinapatulog niya kami.

And hindi nga ako nagkamali dahil kwinento niya saamin ang plano niya nang makarating kami sa room namin.

"May tugtugan daw sa plaza mamaya so we will go there and watch tapos magsisimula daw yun around 8 at matatapos around 10. Then after dun eh kain tayo sa food court then mag-stroll tayo hanggang alas dose then balik na tayo dito sa hotel!" masayang kwento ni Heizy sa plano niya

Minsan nakakabilib tong si Heizy, pangalawang beses na trip na namin to and planado niya lahat. Sana all magaling magplano.

"Ocakes, Heizy-cake! Ang galing mo talagang magplan. Buti nalang ikaw planner sa mga trips natin!" Louisse said and ngumiti naman si Heizy

"If you want sa lahat ng trip eh ako na magplano, maging planner talaga kasi ang pangarap ko HAHAHA." natawa kami sa sinabi nito pero tumango rin kami

"Sabi mo yan haa? So setteled na, si Heizy na ang vacation planner natin forever!" sabi ni Louisse at nag-agree naman kaming lahat

After the talk ay naisipan na naming matulog para may energy kami mamaya. Nakakagulat nga at nakatulog kami kaagad kahit na halos kakagaling lang naman sa tulog.

"Tara na! Tapos na ako." napahinga naman kami ng maluwag ng lumabas na si Louisse sa banyo

Ang tagal niya magprepare!

"Buti naman, ang tagal mo magprepare!" sabi dito ni Axia at nagpeace sign lang ang loka

"So saan tayo magdidinner?" Sean asked

"Dunno. Hindi sinabi ni Heizy kung saan eh." I answered

"Nagcrecrave ako ng bulalo. Sana may bulalo sa pupuntahan natin." He said and tumango naman ako

"Meron yan." sabi ko nalang

Katahimikan. Ewan ko pero na-aawkwardan parin ako kahit na sinabi niya namang joke lang yung sinabi niya kay ate cashier.

"Hoy, dalian niyo maglakad!" napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano nang sumigaw si Louisse

Napakaingay talaga kahit kailan.

"Opo madam. Dadalian na!" sabi ko dito at napangiwi ito

"Tara na nga, dalian na natin. Nagagalit na si madam Louisse." sabi ko kay Sean at hinila ito

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ