9

16 3 2
                                    

Sean's POV

"Saan ka pupunta?" tanong ni ate manager, nginitian ko lang ito at inirapan niya na ako

Alam niya na kung saan haha.

"Tsk, balik ka mamayang alas dos may practice kayo." sabi nito at tumango lang ako bago umalis

Naglakad ako papuntang garden. Sa lawak ng West Benedictos, medyo natagalan ako sa paglalakad.

"Tsk, tagal tagal." ginulo ko nalang ang buhok nito at inirapan naman niya ako bago tinampal ang kamay ko, "Wag mo nga guluhin buhok ko! Ang hirap kayang mag-ayos!" reklamo niya at natawa nalang akong umupo sa tabi niya

"Haha, sungit mo talaga!" sinamaan niya naman ako ng tingin

"Haha, pangit mo talaga!" panggagaya nito sa sinabi kk kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Ako pangit? Weh? If i know crush mo ako eh haha! Amin ka na, baka maisipan pa kitang i-crushback!" sabi ko dito pero pinalo naman niya ako sa may braso ko, "Pucha! Sakit mo talagang mamalo!"

"Tss! Di kita crush noh! Si Chester ang crush ko!" this time ako naman ang umirap sakanya

"Tsk six months mo na siyang crush, tapos siya parin? Wag ka nang umasa dun. May gusto na yung iba!" pinalo niya ulit ako, pucha naman amazona talaga tong babaeng to!

"Eh ano naman ngayon? Eh siya yung crush ko eh." haha, ang dali talaga niyang mapikon

"Oo na, pikunin ka talaga!"

"Eh sa ang galing mong mamikon eh!"

"It's my talent you know?"

"Talent, talent. Dami mong alam!"

Patuloy lang kami sa bangayan kahit alam naming hindi lang kami ang tao dito sa may garden. Kaya nakarinig kami ng bulungan.

"Infairness bagay talaga si Kiana at Sean noh?"

"Oo nga, pero bestfriends lang daw sila eh!"

"Pero sa bestfriend bestfriend nagsisimula ang lahat, malay mo bukas eh sila na!"

"Ay bet haha. Pero nakakainggit yung closeness nila noh?"

"Yup, mapapasana all ka nalang. Hastag sana all may boybestfriend."

Tinignan ko si Kiana at ayun, nakakunot ang noo. Pinitik ko ang noo nito kaya nakatanggap na naman ako ng masamang tingin. Kung nakakapatay lang talaga ang tingin, noon pa ako pinaglalamayan.

"Tara na nga. Kain na tayo!" sabi nito at tumayo na saka naglakad, sinundan ko naman ito at tatawa tawang sinabayan siya sa paglalakad

"Di ka parin ba sanay sa mga naririnig mo? Halos anim na buwan na kaya tayong mag bestfriends!" nagkibit balikat lang siya

It's true. Anim na buwan na kaming mag-bestfriends at masaya naman pala ang magkaroon ng kaibigang babae. Kilalang kilala ko na nga siya eh in just span of six months. Mabilis lang kilalanin eh, basta close mo na.

"Mamaya palang uwian eh kay Louisse ako sasabay. Nagtatampo na, pinagpalit ko na daw siya!" sabi nito at sumubo ng pagkain

Nandito na kami sa cafeteria, lunch time na kasi eh.

"Haha, pasabay mo siya kay Chester!" sinamaan naman niya ako ng tingin, sama talaga ng tingin ng babaeng to saakin

"Bakit naman? Akin si Chester, eh!"

"Sayo ba siya? Di ako nainform!"

"Pwes ngayon informed ka na!"

"Luh, assumera ka pala?!"

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon