26

9 2 28
                                    

Kiana's POV

"Kiana Winoa!" napalingon ako kay Louisse ng sabihin nito ang whole name ko

"Ano na namang problema mo Louisse Irae?" napa-pout ito dahil sa sinabi ko

"Tinatanong kita kung anong damit ang susuotin mo bukas." nagtaka naman ako sa tanong nito pero nagets ko rin kaagad

Valentine's day nga pala bukas and may pakulo ang WBU na kung anong status ng lovelife mo bukas ay may color coding ng damit na susundin para dito.

Red is for taken.
Blue if taken for granted.
Yellow para sa mga nafriendzone.
Gray para sa may nililigawan/nanliligaw.
Orange para sa inlove sa taong alam nilang imposible na maging para sakanila.
Black para sa mga broken hearted.
White para sa hindi naniniwala sa love.

For sure mag-oorange kaming dalawa ni Louisse bukas. Friendship goals kasi namin ang mainlove sa mga taong imposible na maging amin gaya ng mga kpop idols, fictional characters, at mga artista.

"Syempre damit ang susuotin ko." napasimangot si Louisse dahil sa sinagot ko

Natawa ako at inirapan niya lang ako.

"Edi wow, Kiana Winoa." sinamaan niya ako ng tingin

"Eto naman, g na g. Orange syempre, ano pa nga ba?" nagbago naman agad ang mood niya at natawa na

"Same same HAHHAHA. Orange kasi ginusto nating magkagusto sa taong imposibleng maging atin." ewan ko kung dapat ba akong matawa or malungkot sa sinabi niya

Hindi na kami nakapag-usap pa ng matagal dahil dumating na yung prof namin.

"Ok guys, since bukas is valentine's day may gusto akong ipagawa sainyo. It's a debate about a certain topic na kayo mismo ang magbibigay. Don't worry hindi siya graded kaya you can express your opinions freely or if you don't want edi don't. Gusto ko lang talagang magpadebate ngayon haha." ang astig naman nitong si ma'am, umagree kami sakanya kasi wala naman kaming choice

"So any suggestions na topic para sa debate?" tanong nito, "Dapat connected sa love ah para mas masaya haha" grabe talaga 'tong trip ni ma'am

"Ma'am, what if about being love by a person you don't love or loving a person who doesn't love you?" One of my blockmate suggested

"Ok, for the first topic iyan. Bale three topics lahat dapat. So what for the second topic?" she asked again

For the second topic, 'Is it okay na girl ang unang magconfess, yes or no'. Then for the third topic, 'confessing to a friend/bestfriend, yes or no'.

Ewan ko kung bakit ganyan ang mga topic pero ayan yung gusto nila, edi ok. Hindi nalang siguro ako sasagot or kapag natripan ko sumagot edi sasagot ako.

"So let's start the debate. For the first topic, being love by a person you don't love or loving a person who doesn't love you? Who wants to go first?" inistart na ni ma'am ang debate and may nagvolunteer na to go first, Cecille ata ang name

"For me, mas better ang being love by a person you don't love because atleast you know that they love you. And being love is a good feeling." hindi ko gets yung point niya sa totoo lang

"Loving a person who doesn't love you is much better kasi darating din naman ang araw na mamahalin ka nila." depensa ng isa sa mga classmate namin

"Darating din naman ang araw na mamahalin mo yung taong nagmamahal sayo ah," and nagsimula na ang totoong sagutan, may naisip ako kaya sumabat ako

"Yeah, we could learn how to love someone and the one we like can learn to love us back but it is better to love a person who doesn't love you kasi hindi ka makakasakit ng tao. If someone loves you then you cannot love them back edi masasaktan sila, atleast kapag ikaw yung nagmahal ng taong hindi ka mahal edi ikaw yung masasaktan but hindi ka makakasakit ng iba." I voiced out my opinion

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now