10

16 3 2
                                    

Kiana's POV

"Kiana! 20 bukas oh, may 'friendly' date kayo?" tinignan ko si Louisse na nasa tabi ko, talagang diniinan pa ang pagkakasabi sa friendly

"Dunno. Bakit? Sasama ka?" tinaasan ko ito ng kilay at natawa nalang siya bago umiling

Tomorrow is January 20 and 20 is a special day kuno sabi ni Sean. August 20 kasi yung exact date na sinabi niyang bestfriend na kami but September 20 naging official. Sabi ko kasi friends muna then after a month dun lang kami naging bestfriends. Ang daming ekek noh?

At dahil nabuksan na ni Louisse ang usaping 'friendly date', I texted Sean.

To: Sean, The Vocalist

Hey, alis tayo bukas?

After a minute, he replied 'Yep, be ready haha! See you!'

Napangiti nalang ako.

"So ano, meron?" tumango nalang ako kay Louisse at inumpisahang basahin ang notes ko, baka magpasurprise quiz mamaya yung prof eh

-

"Saan naman tayo bukas?" nginisian lang ako nito at tumusok sa nakaplastik na fishball na hawak ko, "Daya nito! Meron ka naman sayo oh!" turo ko pa pero nginisian niya lang ako at sabay kaming umupo sa bench

Nandito kami ngayon sa garden at kumakain kami ng fishball, obviously. It's already 6 in the evening but still nandito palang kami.

"Basta be ready. Wear casual clothes!" sabi nito at tumango nalang ako

Naalala ko tuloy nung first friendly date namin.

Flashback

"Bestfriend! Yan na ang itatawag ko sayo mula ngayon. Dahil one month na kitang friend!" ang saya naman niya

"Bahala ka nalang!" sabi ko dito at umupo sa bench

Dito kasi kami madalas magkita simula noong dineclare niya na magkaibigan na kami.

"And since today is our first month as friend and first day as bestfriend, i'll treat you to lunch!" tumango nalang ako kasi alam kong mapilit ito at di rin ako mananalo kung aayaw ako, "Great! Mamayang lunch hintayin mo ako dito. Ciao! May klase pa ako eh. Haha." at umalis na

Ano namang pakulo yun? Treat to lunch, treat to lunch pa di naman kami magjowa! Parang friend lang eh!

Hours passed and it's lunch time na. And since sabi niya hintayin ko siya, hinintay ko siya. Nang dumating ito ay may dala na itong paper bag at basta nalang akong hinila.

"Ay gago! Bat ka naghihila!" napamura tuloy ako pero di niya ako sinagot instead nagpatuloy parin kami, hinayaan ko nalang siya

Hahaba pa ang diskusyon kung titigil kami, mainit pa naman.

"We're here!" tinignan ko ang pangalan ng resto, 'Moon Restaurant'

"Bat dito? Mukhang mahal! Doon nalang tayo sa Jollibee!" at aalis na sana kaso hinila ulit ako nito papasok sa restaurant

"Sean! Mahal nga kako dito. Wala akong pera, pambayad!"

"Treat nga diba? San utak mo te? Sa talampakan?" inis ko tong kinotongan

"Ikaw na lalake ka, nanghihila ka na ngalang. Nang-iinsulto pa! Tsk!" tinawanan niya nalang ako

"Hanap ka nalang upuan natin, ako na mag-oorder. Haha!" inirapan ko nalang siya at naghanap ng upuan

Loko talaga ang lalakeng yun! Sabihan ba naman akong utak ko ay nasa talampakan! Tsk. Kung di ko lang alam na mapang-asar talaga siya!

Ibang iba siya sa nakilala ko noon bilang fan nila! Grabe pala siya mang-asar! At maloko talaga ito. Para siyang si Chester ang pinag-kaiba lang ay isip bata pa si Chester! At ito, ang sarap kutusan ng Sean nayun. Akala mo talaga close kami, lagi na akong inaakbayan basta makita ako. At di pa nakuntento, sinabi na bestfriend niya ako habang nagpeperform sila sa isang event ng school. Diba kapal ng mukha?

"Here's our food madam. Eat na tayo. Gutom na ako!" sabi nito at nagdasal muna

Dito ako bilib sakanya. Kahit maloko siya kung minsan, di niya parin nakakalimutang magdasal bago kumain. Nakakahiya nga na kababae kong tao eh minsan nakakalimutan kong magdasal bago kumain. Sorry na po. Tao lang, nakakalimot lang.

"Let's eat! Eat all you want. This is our first bestfriend date! Sa susunod ikaw naman ang gagastos para fair haha! So every -wait ano nga bang date ngayon? 20 right!- so every 20 of the month kailangan nating mag-friendly date. It's part of our friendship para di tayo mawalan ng bonding! Ok?"

"Daming alam! Parang bakla!" bulong ko dahil totoo naman, dami daming ekek, may pa motmot motmot pa! Eh kung anniv nalang kaya eh no?

(motmot- monthsary)

"Hoy narinig ko yun! For your information, di ako bakla. Tsaka gusto ko lang naman na maging close talaga tayo eh. You're my first girlbestfriend." tumango nalang ako dahil mukha itong nalungkot

"Oo na, ako na sa next magtitreat. Happy?" ngumiti ito ng pagkalawak lawak at tumango

"Yey! So, let's eat na!" at nilantakan na namin ang mga pagkain.

In our second month, nilibre ko siya ng streets food. Buti nalang at kumakain pala siya dati pa.

Third month, sumama ako sa gig nila sa isang mall at doon kami nag-friendly date. Pinaalam pa talaga ako kanila mama.

Fourth month, sa isang resto ulit.

Fifth month, sa seven eleven. Nag-chips and coke kami.

End of flashback

And now, sixth month. Ako dapat ang manlilibre pero sabi niya siya nalang daw kasi may plano na siya. Edi wow sana ol pinaplano talaga. Akala mo talaga magjowa kami eh noh?

Haha. Pero wala akong balak jowain siya because, friend stays a friend until the end. Not friends to lovers, di ako naniniwala diyan. Kasi friends kayo eh kung nagkagusto ka sakanya ibig sabihin nun di na friend ang turing mo sakanya so hindi na kayo friends. Gulo noh? Ah basta. Ayaw kong magjowa ng friend ko na dahil naniniwala akong,

Friend is a friend.

Lalim ng hugot. Wala namang nagtatanong.

Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa naisip ko.

"Lalim ng iniisip ah! Ako siguro yan noh?" tinaas-taasan pa niya ako ng kilay

"Oo. Iniisip ko lang kung bakit ikaw ang gagastos this month imbes na ako." dirediretso kong sabi at napangisi nalang siya

"Ayaw mo nun? Makakatipid ka this month!" inirapan ko nalang siya

"Parehas lang rin naman kung next month ako!"

"Exactly, parehas lang rin naman!"

"Tsk. Oo na!" pagtatapos ko sa usapan dahil alam kong di ako mananalo

"Haha, may naisip kasi ako and ayaw ko ng ipagpa-next month pa kaya ako nalang ngayon. Ok lang ba?" tumango nalang ako, "Haha so pano yan, alis na muna ako bestfriend ah!"

Ginulo nito at buhok ko, "Bye! Ingat ka!" sabi nito at umalis na

Tumayo narin ako at umalis. Maghahanda pa ako para bukas. Feeling ko kasi masusurprise talaga ako.

---

A/N: Feeling mo lang yon :-P HAHAHA.

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now