21

11 2 33
                                    

Kiana's POV

I still remember how did the double date thingy ended. Hindi ako makapaniwala na double date ang tingin nilang nangyari. Inaasar kami nila Axia at Sean, bat hindi daw kami nagsasabi. Aish, hiyang hiya tuloy ako. Habang si Louisse eh mukhang ineenjoy pa ang pang-aasar!

"Ano? May double date na naman kayo?" pang-aasar ni Axia

Since sunday ngayon, naisipan namin na magkita-kita after ng mass. Kaya nandito kami ngayon sa park.

"Hindi nga double date yun! Nagkataon lang na nandun kami and nakita namin sila kaya ayun sumabay sila saamin!" I explained for the nth time already pero as usual tinawanan lang nila ako and patuloy parin sa pang-aasar

At mas lalo pa kaming inasar ng dumating sina Sean.

"Ayiee, andyan na sila oh! Mukhang sinusundo na kayo para sa double date part 2." napaface palm nalang ako

"Hi guys! Tara sa mall. Libre ko!" napalingon kami kay Chester dahil sa sinabi nito

"Anong pagkain ang nakain mo at napakagalante mo ata?" Axia asked

"May nililigawan na ang loko kaya ganyan!" panlalaglag ni Vion at nagulat naman kaming lahat

"Shhh, ingay mo naman pre eh!" sabi nito kay Sean

"Legit?" Louisse asked na halos mabilaukan dahil umiinom siya kanina ng nagsalita si Vion

"Tsk. Mamaya ko palang sana sasabihin eh, panira naman tong Vion na to! Pero yup, legit. Haha." sagot nito kay Louisse at ang ngiti ng loko ay napakalawak

Ewan ko kung bakit pero napalingon ako kay Axia, nagtama ang paningin namin at nakita ko ang lungkot ng mata niya. Pero agad siyang umiwas ng tingin at nagsalita.

"Oh? Sana all! Buti naman at pinayagan kang ligawan siya? Sa pangit mong yan?" pang-aasar nito kay Chester

"Utot mo. Ang gwapo ko kaya!" at nagsimula na ang walang sawang asaran nila

Sa totoo lang, bagay silang dalawa.

"Kami bagay? Eww!!! For your information, tao ako! Siya hayop kaya hindi kami bagay!" nanlaki ang mata ko dahil nasabi ko pala ng malakas

"Alam niyo ba, ganyang ganyan yung linya ng lola ko noon. Tapos ayun, nagkatuluyan sila ni lolo!" asar ni Louisse sakanila at dahil iisa lang ata ang ikot ng utak namin ay sabay sabay pa kaming nag-ayie

"Ayieeee HAHAHAHHA!" napairap naman si Axia

"Guys, stop teasing them. May nililigawan na nga si Chester diba?" We, girls, rolled our eyes at Glen

Minsan na nga lang magsalita, ampangit pa ng lumalabas sa bibig niya.

"Tama naman si Glen, pero sa totoo lang bagay talaga kayong dalawa HAHA!" Vion said and we started teasing them again

"Magsitigil na nga kayo, we're not bagay, ok? We are a person, tao kami." napatigil nalang kami dahil mukhang inis na si Axia

"Ok, chill."

"Tss."

"Ok, ibang topic na. Ay speaking of topic, may naalala ako! Bat parang good boy ka na Vion? Last time I saw you with girls eh four months ago?" Sean opened a topic

"Someone made me realize that girls should be treat like a treasure and not a trash." he simply answered that left us at awe

"Yan goods! Natuto ka na, Vion Keiser." we all looked at Louisse who cheered Vion

"Kayo?" Chester asked and napailing si Louisse

"Nah, tinuruan ko lang yang gunggong niyong kaibigan na tratuhin ng maganda ang mga babae kase magaganda kami kaya dapat lang na tinatrato kami ng maganda!" napatango naman kaming mga babae sa sinabi ni Louisse

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя