7

21 3 0
                                    

Kiana's POV

"Hahaha, ginawa mo yun? Unbelievable!" tawa ito ng tawa kaya di ko napigilang hampasin ito sa braso

"Tsk, bahala ka na nga diyan. Alis na ako, may klase pa ako." sabi ko dito at tumayo na

"Sige haha" aalis na sana ako kaso pinigilan pa ako nito, "Number mo pala, itetext kita haha!" inirapan ko ito at tinype ang number kosa inabot niyang phone

"Yan, ok na? Tsk. Bye." sabi ko dito at umalis na

Wala pang isang oras kaming nagkukwentuhan pero ang dami na niyang nalaman saakin. Kwinento ko kasi kung paano ako naging fan ng The Moon tsaka yung kabaliwan ko kay Draze. Isa palang ang nakukwento ko pero todo tawa na siya, what if nakwento ko na lahat? Edi patay na siya kakatawa! Tsk.

"So tomorrow, prepare your brains because we're having a graded recitation, that's all. Class dismissed." inayos ko na ang gamit ko pagkasabi ni ma'am ng word na pinakahihintay ng lahat

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay tinext ko si Louisse. May load ako eh, bat ba?

To: Louisse

Gurl! Hintayin kita sa park.

I hit the send button.

May park na malapit dito sa W.B.U at doon ako tumatambay habang hinihintay si Louisse. Di kasi sanay yun na umuwi mag-isa lalo na at nag-cocommute pa kami.

After a minute of walking i've reached the park. Madami ring tambay dito kagaya ko and mostly mga magjojowa. Tss, magbebreak din kayo!

Natawa ako sa naisip ko. At bago pa ako sumigaw ng 'walang forever' ay nilabas ko na ang phone ko para mag-fb. Sayang load ko kung di ko lang rin gagamitin.

I opened it and tapped the FB app. Puro memes lang, walang bago. Hayst! Since naboring ako sa FB nanood nalang ako sa youtube ng mga drawing tutorials. I love to draw.

But i stopped on watching when a message popped up on my notif.

From: 0964*******

Hi Kiana!

Luhh, sino kaya toh??? Baka prank lang toh, tss!

But there's another message again.

From: 0964*******

It's Sean. Where are you? Done with your classes?

OMG. I typed a reply. It says there 'Hey, i'm here at the park. And yep, i'm done with my classes.'

Kailangan kong makipagsabayan kaya English rin nireply ko haha.

Naghintay ako ng halos tatlong minuto para sa reply niya kaso walang dumating. Kaya pinatay ko muna ang phone ko at nilibot ang tingin sa paligid. Nang makita kong walang nakaupo sa swing ay pumunta ako doon.

"Yeyy!!" para akong bata dito but who cares? Haha atleast mag-enjoy ako bahala sila sa iisipin nila

"Mukha kang bata na ngayon lang nakalaro sa isang park." muntik na akong nahulog sa swing dahil sa biglang pagbaba ko ng paa ko sa lupa

"Sean!" banggit ko sa pangalan nito at ngumiti naman ito

"Hi Kiana! Kwentuhan na ulit tayo. Getting to know each other para bukas eh kilala na natin ang isa't isa at pwede na kitang maging bestfriend!" ay wow, nagmamadali ka kyah?

"Bestfriends agad? Diba pwedeng magtagal muna tayo as a friend? Bat nagmamadali ka?" tumaas pa ang kilay ko

"Wala lang. Pero kung yan ang gusto mo edi ok. Friends for a month then after that we're bestfriends na. Clear?" tumango nalang ako dito

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Where stories live. Discover now