19

19 2 20
                                    

Kiana's POV

"OMG! Hell month is done na! Rest week na! I'm so happy!" napangiti naman ako sa sinabi ni Louisse

The exam week was done. So it means next week is rest week!

"Anong plano mo?" tanong ko, para kasi siyang sembreak pero iba pa yung sembreak namin

"Siguro sa bahay lang haha! Or gala tayo, punta tayo mall haha!" tumango nalang ako, wala din akong plano eh siguro hihilata lang sa kama at tutulong sa gawaing bahay

"Tara na! Naghihintay na daw sila sa parking lot." naglakad na kami

"Bes, gala tayo sa saturday. Yung dalawa lang tayo, tagal na pala nating di nakakabonding na dalawa lang tayo!" she cheerfully suggested and i just nodded

Totoo naman kase, we're the original bestfriends but we rarely bond as the time goes by. Nag-uusap parin naman kami but mostly eh sa messenger nalang. May new friend kasi siya, and they almost have the same sched so siya yung palaging kasama ng babaitang ito. Nagkakasama lang kami kapag may agenda ang 'The Moon and girl friends'.

Yeah, meron parin ang korning group name na yan. May gc na nga eh. Chester created a gc and he added us all in there. Doon kami nag-uusap tuwing gabi and kung may free time and we're not together.

I must say that i'm happy. Akala ko noon eh hindi masaya ang magkaroon ng maraming kaibigan kasi sakit lang sila sa ulo but i'm wrong. They became my new family. And i'm happy when i'm with them.

-

"Sama kami!" napairap nalang si Louisse sa sinabi ni Heizy

"Duh, bonding nga naming dalawa diba? Edi kung sasama kayo naging bonding na nating apat!" ang nonsense namang magpaliwanag ng nerd na to

"Duh, ayaw mo nun mas masaya!" katwiran naman ni Heizy

"Nope! Ayaw ko. Dalawa lang kami dapat." pagmamatigas ni Louisse

"Ikaw na nerd ka, ang attitude mo! Akala ko pa naman mababait ang mga nerd!" hay, may point nga naman tong si Axia

"Kahit anong sabihin mo, kaming dalawa lang talaga ni Kiana ang magbobonding bukas! Hindi kayo kasama!"

"Edi hindi! Heizy punta rin tayo magbonding bukas, tayong dalawa lang rin!"

Nagpatuloy ang bangayan nila hanggang sa dumating na ang mga boys.

"Hey girls! Anong ganap?" tanong ni Chester

"Wala ka na dun!" sabay na sabi ni Louisse at Axia kaya nagulat silang dalawa at nag-apir pa

"Abnormal naman ng mga to!" Chester said kaya nakatanggap siya ng palo mula sa mga ito

"Tsk, stop. Tara na maglunch!" aya ni Vion and we all agreed

"Kiana!" I looked at Sean who's beside me, tumabi siya saakin pagkadating nila, "May plano ka sa weekends?"

"Yeah, why?"

"Ah wala lang!"

Tumango nalang ako at sakto namang nakarating na kami sa parking lot.

"Convoy nalang tayo, as usual partner partner. So pano ba, kita kita nalang tayo sa CaringDerya!" Chester said and hinila na si Axia papunta sa sasakyan niya

Everytime na may lakad kami by partner sa sasakyan. Me and Sean, Vion and Louisse, Draze and Heizy, Glen and Haze tsaka si Chester at Axia. Ok naman saamin na ganun ang set up kaya kung may pupuntahan man and sasakay kami, ganyan ang set up.

"Wear your seatbelt." Sean reminded me and sinuot ko naman at nagsimula nang umandar ang sasakyan

"How's the last day of exam?" he opened up a topic

The Vocalist's Bestfriend (The Moon Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon