Chapter 3.3

24 6 0
                                    

ARON JAMES LANDEZ' POV

Isang buwan na nakalipas ay graduation ko na.

Nakapag-defense na kami ng maayos, nakapagpasa na ko ng requirement sa aking ROAD TO GRADUATION ko, Nakapag-exam na ko kahit me-medyo pasado ang naging resulta at madami akong ginawa para matapos ko lang ang pag-aaral ko.

Ngayo'y nakaluwag na ang aking hininga, sa mga pinaghirapan ko'y ito ang naging kapalit, ang pag-akyat ko sa entablado na bitbit ko ang diploma at magba-bow sa harap ng maraming tao. Lahat naman siguro ay ito din ang pangarap ng mga estudyante, kahit sipsip at bida-bida ay ganito din ang pangarap na ninanais nila.

Kakarating lang namin sa Great Capital Arena, kasama ng Nanay ko.

Actually, si Mama ko lang ang kasama ko.

Si Mama ang nagmanero ng Kotse, nakikita ko ang mga kapwa kong estudyanteng magsisipagtapos, mga nagtitinda ng rosas at mga kung ano-ano na pangdisenyo na Graduation Edition at mga magulang ng mga magsisipagtapos.

Pinarke ni Mama sa Gilid ang sasakyan namin. Doon lang naman ang parking lot ng Great Capital Arena.

At bumaba na kami, pero walang kung anong salubong kay Mama, parang ordinaryong magulang lang si Mama. Suot niya kasi ay naka White na Blouse tapos Squarepants na Black na may sandals na black.

"Nandito na tayo, Aron James." Sabi niya.

"This is it!" Sabi ko. "Wala ka nang Landez na mag-aaral kasi-"

"Don't forget Aron, may College pa." sabi ni Mama kaagad at tama siya na hindi pa ito tapos.

"Ah... Oo nga pala!" Sabi ko sabay tumawa ng konti.

May babaeng nagtitinda ng Bulaklak na dumating sa amin, ang lakas na loob niya na nagtinda sa harap namin.

"Ma'am, Bili na po kayo!" Alok ni Tindera.

"Ah.. Magkano yang Rosas na yan?" Tanong ni Mama.

"Ah... Bente pesos po." Sagot ng Tindera.

"May tiyane na po yang rosas mo?" Tanong ko.

"Meron po!" Sagot niya na may kasamang ngiti.

"Sige! Bibili ko po yan ng isa para sa anak ko." Sabi ni Mama.

"Pati na rin yung Medal, Bulaklak Edition." Sabi ko.

"Bente rin po ito." Alok ni Tindera sa amin.

"Sige din, pati yan." Sabi ni Mama at kinuha niya yung wallet niya sa kanyang bag.

Dumating si Eunice, kasama si Tita Konsi or si Tita Leanny.

"Aron! Tita Chairman!" tawag ni Eunice sa amin.

"Tita Chairman?" Pagtataka ng Tindera.

Hindi alam ng Tindera na ang costumer niya ay ang Ika-apat na Chairman bg Capital State.

"Opo! Ako po si Erika Landez, ang Ika-apat na Chairman ng Capital State." Sabi ni Mama.

"Totoo?!" Nagulat ang Tindera.

"Opo Ate! Etong mama ko ay si Fourth Chairman." Sabi ko na may kasamang ngiti.

"Hi po, Chairman!" Pagbati ng Tindera kay Mama.

"Bumibili na pala kayo ng mga ganiyan." Sabi ni Tita Leanny.

"Oh! Kayo din po Councilor, bili na po kayo." alok ni Tindera kay Tita.

"Sige! yung isang rosas at yung pink na necklace." Sabi ni Tita.

Inabutan ni Mama ang bayad at sabing "Give The Change."

The Dream Match [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon