Chapter 21

7 3 0
                                    

ARON JAMES LANDEZ' POV

Hapon sa bahay naming mga Landez, nasa kuwarto ako ngayon para magbihis para sa date namin ni Lala.

Sumang-ayon si Lala kasi nililigawan ko siya.

Hindi ko nga alam kung ano susuotin ko, napapaisip ako habang nagkakalkal sa kabinet ko.

"ARON!!!!" Sigaw ni Lala sa Labas ng Kuwarto ko.

"BAKIIIIIT?" Sigaw ko naman habang nagkakalkal ng damit sa Cabinet ko.

"MATATAGALAN KA PA DIYAN???" Sigaw na tanong ni Lala.

"Wait lang...", kinuha ko ang isang T-Shirt na nakalagay na SHE IS MY TYPE GIRL.

Mukhang magugustuhan ni Lala sa suot ko, maiinlove siya rito sa suot ko.

Sinuot ko ang damit na iyon habang sinasabi ko na "WAIT LANG, LALA!!!"

"I'M WAITING ARON!!!" Sigaw ni Lala.

Noong sinuot ko ang T-Shirt na kinuha ko sa Cabinet, daling pumunta ako sa pinto at binuksan ko iyon.

Nagulat nalang ako sa nakita ko, ang ganda lalo ni Lala sa suot niya ngayon.

Naka-Palda siya ng cerulean na kita ang tuhod, naka-Blouse siya na half-sleeve na kulay white, hanggang binti ang suot niyang medyas, may bunny headband siyang suot, may bitbit siyang maliit na sling bag, at leather shoes ang suot niya.

Medyo weird pero ang cute niyang tignan, kala ko Anime Character lang, si Lala lang pala.

"Ano, may Problema ba sa suot ko?" Tanong ni Lala dahil napapansin niya ang tingin ko sa kanya.

"Ang cute mo, Ellainah." Sabi ko.

May umepal sa amin na nagsabing "Ako pumili ng suot na yan, Aron!", si Ate Richane pala.

"Ay!!! Sawsawan ka?"

Lumapit si Ate Richane kay Lala narinig ko yung bulong niya na "Ellainah, Sa Hotel na kayo diretso ah."

"ANO?!!" Sigaw ko.

"Ah... Eh... Wala, Aron.", daling hinawakan ako ni Lala sa kamay ko. "Mauna na kaming dalawa ah."

"Ingat kayo ah!" Ate Richane.

Lumabas na kaming dalawa sa bahay naming mga Landez.

Noong nasa labas na kami, may lumapit na yaya sa amin at saba sabi na "Sir Aron... Miss Ellainah... Eto po susi..."

"Susi sa anong kotse yan?" Tanong ko.

"Yung beetle po." sagot ni Yaya.

Nagulat ako dahil mabagal na beetle ang gagamitin naming sasakyan. "Be-bee..."

"Ay!! May beetle kayo?!" Tanong ni Lala sa akin.

"Ang bagal nung eh-"

"Eh gusto ko sumakay sa beetle."

"Pwedeng Montero Sport nalang yun-"

"I... WANT... BEETLE..."

Napatingin ako kay Lala at sabay sabing"Ikaw ba magda-drive?"

"Sige na love, please?..." namamakaawa ni Lala.

Wala na akong maisip kun'di tanggapin nalang na kotse na beetle ang gagamitin namin.

"Sige!"

"YEHEY!!" Sigaw ni Lala bilang kinatutuwa niya.

Kinuha ko yung susi at sinabi ko kay Yaya na "Pag nagtanong si Mama kung saan ako, sabihin mo umuwi na sa HQ."

The Dream Match [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant