Chapter 43

3 1 0
                                    

RONA'S POV

Nasa kalagitnaan kaming tatlo ng laban sa isang baklang rebelde na si Rocky. Nagulat kami sa ginawa niya dahil kaninang-kanina lang ay inabsorb niya ang mga Fireball at Waterball namin at sinabi niya na ganito ang ginagawa niya para magdagdag ng kanyang mana.

Ngayon ay nakangising tingin siya sa amin habang kami'y seryoso at pagigil na tingin.

"Ano na? ano na gagawin ninyong tatlo?" pangising tanong ni Rocky habang nanatiling nakatingin ito sa aming tatlo.

"Paano ba namin siya matalo?" bulong ko habang nagigil na ako sa kanya kakatingin.

Umabante si Aron ng isang hakbang at sabi niyang "Alam ko ang leksyon na para sa kanya."

"What do you mean, Aron?" tanong naman ni Lala.

Kaagad na sumugod si Aron kay Rocky at habang tumatakbo ay nagbato siya ng isang Plant Blade niya. Nag-sidestep pakaliwa si Rocky para maiwasan iyon, nakangisi parin ang pagmumukha niya.

Nang malapit na si Aron , biglang huminto sa harapan ni Rocky at nagbuga ng apoy para umaatake kay Rocky. Kaagad na nag-sidestep na naman pakaliwa si Rocky para umilag sa atake ni Aron.

Sumugod naman si Lala at habang tumatakbo ay nagbato naman ng kanyang Plant Blade kay Rocky. Biglang inaabsorb ni Rocky ang Plant Blade ni Lala sa kanang kamay niya, kahit Plant Blade ay kaya niyang i-absorb.

Nang nasa malapit na kay Rocky, biglang tumambling ng dalawang beses at tumalon siya na napataas habang paikot-ikot ng isang beses ang buong katawan niya, dito niya umatake kay Rocky by landing.

Kaagad umaatras si Rocky para maiwasan naman niya ang atake ni Lala kaya sa sahig lumanding si Lala. Habang ganun, kaagad na huminto si Aron sa pagbuga ng apoy at nagpakawala ng right fist niya na may kasamang lightning de chuchurut while shouting "AEISAIEAHH!!!"

Ngunit biglang hinawakan ni Rocky ang right fist ni Aron at nakita ko na inabsorb niya ang lightning de chuchurut hanggang sa mawala iyon, sinipa niya si Aron sa baywang habang binitawan niya ang kamay ni Aron at biglang siniko naman niya si Lala sa muka.

Tumba silang dalawa nang matamaan roon.

Ako naman ngayon ang aatake sa kanya, pasugod akong tumakbo sa kanya habang nagbato ng isang Plant Blade ko. Kaagad naman niyang inabsorb ulit ang Plant Blade ko, parang mas lalo siyang lalakas kaka-absorb. Nang nasa harapan ko siya, huminto ako at nagpakawala ng isang left handstab jab at isang sipa paside mula sa kanang paa.

Pinagsasampal niya ang kaliwang kamay ko at ang kanang paa ko, makaparry siya sa akin. Umikot ako para makapunta sa likuran niya at kaagad tinulak ko siya from behind gamit ang dalawang kamay ko pero biglang siniko niya ako sa mukha from behind.

Dito na akong natumba paatras nang matamaan sa siko niya.

"Mga walang kwentang nilalang." pangising linya ni Rocky. "Tatatatlo na nga kayo, hindi ninyo parin ako matalo?" linya pa ni Rocky.

Dahan-dahan kaming tumayo habang nahihingal-hingal kami. Kaagad na gumapang ako para makalapit kay Lala habang sabing "May ideya ka kung paano talunin siya?"

"W-wala..." sagot ni Lala habang naiinda siya sa sakit sa may binti niya.

Gumapang naman si Aron papunta sa amin habang sabing "Mukhang kailangan natin ng tulong nila Mama ngayon."

"Hindi ko dala ang Cellphone ko." sabi naman ni Lala.

"Wala rin akong dalang phone." sabi ko naman.

"Yung walkie-talkie natin..." linya ni Aron.

Kaagad kong kinuha yung walkie talkie ko pero sira na pala nang nahawak ko iyon.

The Dream Match [COMPLETED]Where stories live. Discover now