Chapter 30

7 2 0
                                    

RICHANE LANDEZ' POV

Sa Hilagang Distrito ng Kapitolyong Estado ng Maynila, tuloy parin ang balintuna sa pagitan ng gobyerno ng estado which is kami at ng mga rebeldeng grupo which is sila Jonuzh.

Daming Fireball at Waterball na nadadapuhan, maraming dugo na nagkalat sa lupa, mga gusali at establisimento na nasira, mga sasakyan na naiwanang sira, mga poste ng kuryente at mga puno na natumbahan na at marami pang iba na naging sanhi ng giyera kontra sa mga rebelde.

Madaming mga sundalo, offender, medic unit at maging mga rebelde ang sugatan.

Meanwhile sa Main Area, tuloy parin kami sa ginagawa naming trabaho bilang Witchcraft Special Force Unit ng Capital State.

"Richane!" Narinig ko ang tawag ni Regine kaya lumingon ako sa kanya.

"Ano?"

"Lumalamang na ang mga rebelde sa atin." Saad ni Regine habang nakatingin sa Monitor.

"Huh?! P-paano?"

"B-basta!"

Daling pumunta ako sa kinauupuan ni Regine, at nakita ko sa Monitor na lamang ang red color sa mapa instead na green na color.

Nagawa kaagad namin ang plano ni Tita Diane ah, pero ang bilis naman nila rumesbak.

"Anong gagawin natin, Chane?" Pagtatarantang tanong ni Regine at parang kinakabahan siya habang nakatingin sa akin.

"Hi-hindi ko na alam, Regine." pagtataranta kong sabi.

Kailangan ko kausapin si Tita Diane ukol rito. Sinubukan ko siyang tawagan sa Cellphone ko.

Pero...

"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area, please try call later..."

"Patay! Nakapatay ata phone ni Tita Diane." pagtataranta kong sabi.

"Try mong tawagan ang Mama mo."

"Si-sige."

Sinubukan ko naman tawagan si Mama ngayon.

Pero...

"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area, please try call later."

"Damn! Paano na ito?" Pagtatarantang wika ni Regine.

"Hi-hindi ko na alam, Regine." Pagtataranta ko naman.

Napa-isip nalang ako sa ano na ang next plan namin, natataranta na ako rito.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon, wala sinabing plan B si Tita Diane. Kailangan namin nandito si Mama at Tita Diane para malutas ito.

-

THIRD POV

Sa abandonadong gusali, dumating ang hindi maipangalan na tauhan ni Jonuzh dahil sa isang balita.

"Sir, Nagsimula na siya."

"Oh!!! Nice..." Ikinatutuwang wika ni Jonuzh.

"Pero sir, may mga Choper po na naka-surround." Pag-alalang wika naman ng kanyang tauhan.

"Wala yang Air Force na yan sa pinadala natin dahil kikidlatin lang niya yan.", daling ngumiti si Jonuzh habang nakatingin sa sulok.

Napaisip si Jonuzh habang yakap niya ang kanyang sarili, tila nakangisi ito at may masamang binabalak.

Napatingin si Jonuzh sa kanyang tauhan at sabay wika niya na "Paki-utos sa mga unit natin na sugurin ninyo ang mga lugar na mahalaga sa Capital State."

"Masusunod, Boss." Tugon ng kanyang tauhan at umalis ito kay Jonuzh.

The Dream Match [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang