Chapter 15

8 5 0
                                    

ERIKA LANDEZ' POV

Kinabukasan sa Office of the Chairman sa Capital Palace, nakaupo lang ako sa Chairman's Chair habang nayuko ang ulo ko sa Chairman's Table. Boring kasi kaya wala ako magawa ngayon.

Maya-maya, biglang dumating si Diane na may dalang papel. "Madam, may receiving paper na ako para sa mission nila."

Itinuwid ko ang ulo ko at nakatingin ako sa kanya na para bang pagod lang with kulot-kulot ang aking hair.

Daling nilapag ni Diane sa lamesa ang receiving paper na iyon.

"Sigurado ka ba talaga na sila Aron ang makakatanggap nito?" Pag-alalang tanong ni Diane sa akin.

"Oo naman.", daling tumayo ako sa upuan ko habang nakatingin kay Diane at sinabing "Pero nag-aalala din ako sa kanila dahil first mission pa naman ito."

Umupo naman si Diane sa isa pang upuan at sinabi din na "Dapat ipinaubaya mo nalang sa ibang unit. Alam mo din naman na napaka-pressure itong mission na ito."

"Hayzzz! Bahala na si batman." daling lumapit ako sa isang bookshelf at sumandal ako roon habang yakap ko ang sarili ko. "Mas ok na din na first mission nila ay mas intense at talagang may thrill pero kung may mangyari sa anak ko, ako ang may kasalanan nito."

"Ba-bakit naman?"  Tanong ni Diane.

"Anak ko yun, paano kung mapahamak yung anak ko?" Pag-aalala kong sabi.

"Kaya nga Madam, pwede mo naman ipaubaya sa iba na may experience na, sila Jadren, sila Harlem o pwedeng sila Richane ulit."

"Si Jadren ay nasa Nueva Ecija dahil may mission sila Harlem at Richane ay kailangan muna magpahinga dahil baka titirahin na kaagad sila ng mga nung."

"Sila Eunice kaya? Yung pwede pa."

"Hindi rin pwede sila Eunice. Kahit sumang-ayon pa si Simoune, mahihirapan lang sa mission na ito dahil dalawa lang sila."

"Eh ako kaya?"

"Mas Lalo kana, Vice Chairman ka pa naman at saka mag-Hall of Famer ka na sa sunod na taon."

"Ga-ganun?"

"No choice na ako, sila Aron ang ipapadeploy ko sa mission na ito at tapos ang usapan..", daling pumunta ako sa Chairman's Table at daling pinirmahan ko ang receiving paper na nasa table.

"Madam, Sure ka na diyan ah."

"Ibigay mo ito sa Old HQ para makita nila. Sa ayaw o sa gusto nila, gawin nila ang mission." Aniya ko.

"Si-sige, Madam! Punta na ako doon kaagad-agad.", daling kinuha ni Diane ang receiving paper at lumabas para makapunta na sa HQ.

Daling umupo ako sa Chairman's Chair habang iniisip ko na tama ba ang desisyon ko. Sana successful kaagad ang first mission nila kahit Rank-X ito.

-

EUNICE CHEN'S POV

Kakarating ko lang sa Special Force Center dahil natapos na kaagad namin ang First Mission naming dalawa ni Engralinda.

May evil den kasi kaya nahuli nalang namin basta-basta kung saan may pa-ritual- ritwal ang mga kupal na something.

"Hayzzzz!!!! Nakakagana kaagad maging Sidesweeper, noh?" Engralinda.

"Kaya nga eh." Tugon ko.

"Ano kaya next mission?"

"Siguro, magpapahinga muna tayo ng one month at kailangan muna natin maghanap ng sideline job habang wala pang mission."

The Dream Match [COMPLETED]Where stories live. Discover now