Chapter 14

8 4 0
                                    

ERIKA LANDEZ' POV

Sa Opisina ko sa Capital Palace, may kausap ako sa telepono.

"Ah... kailangan may second floor ang mga bahay diyan ah."

"Opo, Madam."

"At saka hindi dikit-dikit at semento ang pagkakagawa."

"Opo!"

"Kailangan maabot yan ng three to four months yan at kailangan ninyo ng day at nighy shift workers dahil nag-aalala ang ibang pamilya diyan. Understood???"

"Opo Madam."

"I counting on all of you."

Daling binaba ko na ang tawag sa telephone ko at daling balik sa papipirma ng walang katapusan na papeles.

Maya-maya, biglang pumasok si Richane sa Office of the Chairman. "Ah, Mama?"

"Oh!! Anak, Ba't ka napaparito? Nga pala, nakahanda kana ba?" Sabi ko.

"Ah... Opo eh.", umupo siya sa isang upuan sa harapan ko habang ito'y seryoso dahil "Ah... Naparito ako kasi... m-may bad news."

"Anong bad news?", huminto ako sa pagpipirma at nakatingin sa kanya.

"Ahh... Tama ka nga po, rebelde po sila." wika niya kaya dito ako nagulat nalang. Tama ang hula at ang mga nasa pangitain ko.

"Huh... W-wait! Paano-"

"Nangispiya na kami roon at muntikan na kami mapatay sa kanila." aniya ni Richane.

"Ano?!", Nagulat ako sa sinabi ni Richane.

Kinuwento ni Richane ang plano nila noong nasa mission nila, mula simula hanggang sa nalaman nalang nila na ang pinasukan nila ay isang rebeldeng grupo.

-

RICHANE LANDEZ' POV

Flashback, a day ago...

Nasa damuhan kami nagtatago malapit sa abandoned building kung saan daw dito ang hideout ng mga rebelde daw. Nakatingin kami sa abandonang building dahil may mga bantay na mga security guard roon, wala dalang baril ang iba at yung iba ay may bitbit na M4A1 na baril.

"Eto na iyon." Sabi ni Regine.

"Bakit ganun yung buiding nila? Mukhang gigiba na." tanong ni Harlem habang nakatingin sa gusali na iyon.

"Oo nga no! Sira sira na yung semento." Sabi naman ni Regine habang siya'y nakatingin rin sa gusali.

"Okay! Tama na muna daldal dahil gawin natin ang plano." wika ko.

"Plan A na!" Harlem.

"Chane?"

"Oo na, mga idiyot!", daling tumayo ako at pumunta sa gate ng abandonang building.

Habang naglalakad ako, lumingon muna ako sa kanila at tumango. Tumingin kaagad ako sa building kung saan ako papasok.

Hanggang sa hinarang na ako ng isang guwardiya roon.

"Ah... Sir, May tanong po ako." daling pagkasabi ko.

"Ano po yun, Ma'am?"

"Andiyan po ba si Mr. Jonuzh?" Tanong ko.

"Bakit po?"

"Ah... Eh... Ako po yung isa sa member ng OHUD gang, nandito ako para maging part ninyo."

"Sino nag-recruit sayo?"

"Wa-Wala... Ako lang." Sagot ko pa. "May narinig kasi akong kwento-kwento sa tindero ng palamig kaya napadpad nalang ako rito."

The Dream Match [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن