Chapter 66

13 1 0
                                    

Sa silid ni Jonuzh sa pugad nila sa isang abandonahang gusali, nag-usap sila ni Fred at Lucille.

"Nabalitaan ko na hindi nagpaalam si Tandang Xyron sa akin na susugurin niya ang lugar na walang landmark." ani ni Jonuzh sa dalawa. "Nabalitaan ko na kasama rin si Rocky at nasawi sa laban, kabobohang bakla naman pero namatay na din."

"Eh ano po gagawin namin ngayon?" Tanong ni Fred. "There's so many place na hawak na nila."

"Gusto ko puntahan ninyo si Xyron at tulungan ninyo iyon." utos ni Jonuzh sa dalawa. "Hayaan ninyo nalang pag pinatay nila si Xyron."

"B-bakit naman?" Tanong pa ni Fred.

"Wala na ako pake sa kanya." sagot naman ni Jonuzh.

"Pero-"

"Basta pumunta na kayo roon as soon as possible." saad pa ni Jonuzh.

"M-masusunod po...", kaagad na umalis ang dalawa palabas ng silid para pumunta kay Xyron.

Maya-maya ay dumating ang Tatay ni Jonuzh at pambungad niyang sabing "Anak, pwedeng humingi ako ng pabor sa iyo."

"Ah... W-what is it, dad?"

"Ahmmm... Pwedeng itigil mo na itong mga ito." wika niya kay Jonuzh.

"Huh?!"

"Anak, hayaan nalang natin ang card sa kanila." pakumbabang ani ng tatay ni Jonuzh. "May paraan naman tayong makuha natin ang mga iyon."

"Dad, nagpapatawa ka na ba?" Wika ni Jonuzh.

"Anak, ano ba talaga dahilan kung bakit ka nagrerebelde?"

Natahimik nalang si Jonuzh noong tinanong siya ng kanyang ama.

"Jonuzh, ang card ay nandiyan lang, pero-"

"Nanay ko, sigurado ka ba?" Saad ni Jonuzh.

"A-anak..."

"Tinatakpan nila ang suspek kung sino ang pumatay sa nanay ko." pagalit na wika pa ni Jonuzh. "Hindi hustisya ang matatanggap ko noong panahon na hindi na resolba ang kaso sa pagpatay ng nanay ko."

"Anak..."

"Politician ka, diba?" Saad pa ni Jonuzh hababg siya'y umiiyak. "Bakit noong naging Mayor ka ng Malabon eh hindi mo nareresolba ang kaso?"

"Anak, hindi kasi-"

"Hindi mo mahal kasi si Mama kaya ganyan ka." pagalit na saad pa ni Jonuzh. "Hindi mo lang pinoprotektahan si Mama noong panahon na nasa peligro siya."

"Anak, nasa kalagitnaan ako ng kawalan noong panahon pa na mamatay ang nanay mo, anak." ani ng ama. "Mahal ko ang nanay mo pero-"

"Eh bakit hindi mo pinaglaban ang kaso?"

"Anak may paraan naman tayo na makamit natin ang hustisya ah." saad pa ng ama. "Pero hindi sa rebelyon ang solusyon para makamit natin iyon."

"Dad, hindi mo na ako pipigilan dahil buo na ang desisyon ko at nasa kalagitnaan na tayo ng rebelyon na ako ang gumawa..." ani Jonuzh.

"Anak, narealize ko na nasa maling lugar tayo." ani naman ng ama. "Kurakot akong pulitiko pero hindi ko magagawang saktan ang buong mundo dahil sa hustisya lamang."

Napatahimik nalang si Jonuzh sa sinabi ng kanyang ama.

"May paraan nga na makamit natin ang hustisya at politician ako at mayaman tayo dahil mas madali na ang lahat." ani pa ng ama. "Pero hindi pa natin makakamit ang hustisya dahil mahirap ang kaso ng pagkamatay sa mama mo, anak."

Kaagad na umalis ang ama ni Jonuzh palabas ng silid. Napaisip nalang si Jonuzh roon sa sinabing kanyang ama habang napaupo nalang siya sa kanyang upuan.

The Dream Match [COMPLETED]Where stories live. Discover now