Chapter 12

8 4 0
                                    

LALA DEL ROMEO'S POV

Two days later na pahinga, ready na kami sa preliminary mission naming tatlo.

"Are you ready?" Tanong nj Madam Chairman.

"Opo!" sabay naming sagot nila Aron at Rona.

"Mukhang sasabihin natin na dito kayo mapapalaban dahil sa preliminary mission ay masusukat kung tunay kang special force kagaya namin." Aniya ni Senpai.

"Hindi lang basta mema-mission lang dahil pinagplanuhan ito noon." Aniya naman ni Master Chairman. "Dahil pag  nalagpasan ninyo ito ay isa na kayong Junior Rookie na Special Force."

"Eh ano po ba ang mission?" Tanong ni Aron.

"Maglalaro lang naman tayo ng Base to Base." Senpai said and I confused.

Base to base? Anong laro yan? Hindi ko pamilyar sa laro na yan eh.

"Eh sino po magkakakampi?" Tanong ni Aron which is alam niya ang game.

"Kayong Tatlo against two of us." Sabi ni Madam Chairman.

"Eh Paano po laruin yang Base to base na yan?" Tanong ko. "Sorry, I don't know how to play this game."

"Wala sa France ang laro na iyan?!" Pagkagulat ni Rona.

"Hindi ako nakakalaro ng ganito eh." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Paano kasi ay Barbie ang nilalaro." Sabat ni Aron and I'll take this personally.

"Hoy Aron!!! Taong labas din ako kagaya ninyo ah!" Depensa ko naman sa sinabi ni Aron. "Hindi porke't richkid ay sa bahay lang? You're wrong, Lunatic!"

"Sus! Lumalabas ka ng bahay kaso sa kotse ka lang nag-stay." Aron.

"Hindi ah!"

"Ang mapapawisan jan ay yung Barbie mo at hindi ikaw, eh wala na tayo magagawa diyan." Sarcastic line ni Aron kaya lalo na akong naiinis sa sinabi niya.

"Hindi mo alam kasi ang laro na nadoon sa France eh."

"Eh paki ko diyan?"

"TAMA NA MUNA LANDI, OKAY?!" Sigaw ni Senpai Diane kaya tumigil nalang kami sa kakabato ng line naming dalawa ni Aron.

"Okay na, Aron James at Ellainah?" Madam Chairman said. "Diyan kami nakatuluyan ni Second Chairman eh."

"Ma?!" Aron said with inis kay Madam Chairman.

"Okay! So, hindi ko pala sinabi ito na ang goal ninyo ay Huliin ninyo kaming dalawa hanggang sa wala nang matira."  Aniya ni Madam Chairman.

"Yes to piglas para mas thrill." aniya naman ni Senpai.

"Luh?! Daya naman!" Sabi naman ni Aron as his reklamo.

"Kung ayaw mo, edi huwag ka na maging Special Force." Sabi ni Madam Chairman kay Aron.

"Ah... si-sige nalang! Yes to piglas." sumang-ayon nalang si Aron because he's no choice.

"Well... Ang base ninyo ay sa Pintuhan ng H.Q at para mas madali ay wala na kaming base." Aniya ni Senpai.

"Pero buong kalakahang Harbor lang ang sakop ng lugar na maari natin paglaruan." Sabi naman ni Madam Chairman. "Para fair naman ay hindi ako gagamit ng Fanatic at Macrocosmic vision."

"At hindi hindi rin ako gagamit ng pampalipat na Cosmic Sentiment para madali ninyo ako habulin." Sabi naman ni  Senpai.

"So, kung wala na kayong tanong ay simulan na natin.", biglang naglaho sila Senpai Diane at Madam Chairman kaya nagulat kami sa paglaho nila, isang blink lang ay nawala kaagad sila.

The Dream Match [COMPLETED]Where stories live. Discover now