Chapter 6.07

9 5 0
                                    

RONA IMELDA'S POV

Kinabukasan, kaming tatlong lang ni Lala at ni Master Chairman ang nasa Training Area habang nagpapagaling naman si Aron sa lagnat.

Tinuruan na kami ni Master Chairman about sa Fireball at Waterball, isa sa signature move nila.

"Ngayon kayong girls, kung magagawa ninyo ang step by step about sa Fireball ay magagawa ninyo rin sa waterball." Aniya ni Master Chairman.

"Same po ba sila?" Tanong ni Lala.

"Same sila kung paano mag-produce." Sagot ni Master Chairman. "Both of them ay sa kamay ito nagpo-produce."

"Same din ba sila ng size?" Tanong ko.

"Well... Depends on what you think to do." Sagot naman niya. "Eleven inches diameter ang limited kung kaano kalaki ang fireball and waterball and seventy degree Celsius naman ang init ng Fireball while katumbas naman ng isang litro ang dami ng tubig na nasa waterball."

"So... How to create a fireball?" Tanong ni Lala.

"Good question, Ellainah.", pinakita ni Master Chairman sa amin kung paano ginagawa ang fireball. Nagsimula sa paglabas ng apoy sa kamay, at dahan-dahan nagpo-form ng mala-bilog na shape hanggang sa matapos it mabuo.

Namangha kami sa aming nakita kung paano nagawa ni Master Chairman ang fireball.

"Magsisimula magpalabas ng fire substance at unting-unti mabuo ito ng spheroid shape." Aniya ni Master Chairman.

"Pwede pong ibato yan?" Tanong ni Lala.

"Ofcourse!", binato ni Master Chairman ang fireball sa kanyang kamay at tumama ito sa pader, nagkaroon ng krak ang pader noong tinamaan ng fireball.

"Wow...." Paghangang bulong ko habang tinignan ang pader.

"Well... Para magawa ninyo ang fireball ay kailangan ninyong gawin ang challenge na ito."

"Anong challenge po?" Tanong ko.

May dalang mga uling si Master Chairman at binigay niya ito sa amin. "Kailangan paapoyin ninyo ang uling na hawak ninyo."

"Paapoyin namin? Hindi po pwedeng nababaga lang?" Tanong ni Lala.

"Yung magliliyab talaga ang uling." Sagot ni Master Chairman. "Well, goodluck sa inyo at magagawa ninyo iyan."

Daling umalis si Master Chairman sa amin, at ginawa na namin ang challenge.

Umupo ako sa sahig habang nakapatong ang uling sa kaliwang palad ko, nakakangalay kasi pag naka-tayo ako

Si Lala nama'y nakatayo na diretso habang nakapatong ang uling sa kanang palad niya.

May napapansin ako na may umuusok sa kamay ko, mukhang magpo-produce na ng apoy yung kamay ko.

Isang minuto ang nakalipas ay nasusunog na ang uling, pero hindi ito nagliliyab ng apoy. Kailangan talagang lumiyab para magawa namin ang challenge.

Nagawa ni Lala ang Challenge, nagliyab ang uling niya. "Matagal ka pa ba diyan?" Tanong niya sa akin.

"Saglit nalang ito.."

Dahan-dahang lumiliyab ang apoy bg uling ko hanggang sa medyo malaki na ang apoy.

"Nagawa mo din." Sabi ni Lala.

Ngumiti ako sa kanya habang nag-aapoy ang aming mga uling. Nagawa namin kaagad ang challenge na walang kahirap-hirap.

-

ARON JAMES LANDEZ' POV

Nasa HQ ako at ako'y nagpapagaling sa sakit. Ngayo'y pinapakain ako ni Tita Diane ng Lugaw.

The Dream Match [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα