4

523 7 6
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

( CHAPTER 04)

Ala-sinko na ng madaling araw nang magmulat ng mata si Ruby. Wala na si Zexter sa silid, umalis ito ng walang paalam.

'Hindi ako dapat malungkot, binayaran n'ya ako para gawing parausan, premyo sa pustahan. 'Yon lang 'yon.'

Ipinilig n'ya ang ulo para iwaksi ang munting kirot na sumundot sa puso n'ya. Bumangon s'ya ngunit agad na nasapo n'ya ang ulo nang biglang umikot ang paningin n'ya.

Mukhang nanghihina s'ya. Puyat at pagod ang katawan n'ya dahil halos magdamag  s'yang inangkin ni Zexter. Hindi s'ya nito tinigilan hanggang hindi mag-umaga.

Nang maikondisyon ang sarili ay dahan-dahang s'yang tumayo at nagbihis. Masakit ang lahat ng kalamnan n'ya, nanginginig ang mga tuhod nang humakbang s'ya palabas ng silid.

Kahit pa masakit ang lahat ng parte ng katawan n'ya lalo na ang pagkababae ay matamis  pa rin ang ngiti sa labi n'ya hanggang makapasok s'ya sa dressing room.

"Iha, ano kamusta? Masakit ba? Halika dito umupo ka." Agad s'yang sinalubong ni Rachelle at iginaya sa isa sa mga upuan.

Alalang-alala si Rachelle kay Ruby lalo na nang malaman n'yang sampung oras na ang lumipas pero nasa loob pa rin ng V. I. P room ito at kasama si Zexter.

"Ayos ka lang ba? Kaya mo ba umuwi?"

"Mamang, ano ka ba? Ayos lang ako. Magpapahinga lang ako sandali at uuwi na ako."

Sinuri nang tingin ni Rachelle si Ruby, agad n'yang napansin ang pangingislap ng mata nito pati na ang malawak na ngiti nito.

Naglaho ang pagaalala n'ya nang masigurong katawan lang nito ang napagod ngunit ang kalooban nito ay puno ng ligaya. "Nasarapan ka noh?" pang-aasar n'ya.

"Sakto lang," pigil ang ngiting sagot nito.

"Abot hanggang tenga ang ngiti tapos sakto lang? Huwag nga ako. Nasarapan ka eh. Ano malaki ba? Nagsisigaw ka ba? Ano?"

Natawa s'ya nang mamula ang buong mukha ni Ruby, nag-iwas ito ng tingin at tumikhim. "A-ano u-uhm... Masarap iyon lang," nahihiyang turan nito.

"O siya, siya nangamatis ka na naman. Magpahinga ka sandali ipapahatid kita sa taxi pauwi."

Nang tumango ito ay iniwan na n'ya si Ruby.

Alas-nuebe na nang makauwi si Ruby sa apartment na tinutuluyan. Kumain lang s'ya sandali, naligo saka muling natulog.

Para s'yang lalagnatin kaya hindi na s'ya nag-abalang bumangon para maghapunan. Itinulog n'ya ang buong araw hanggang sumapit ulit ang umaga.

"Hala! Hala!" Natataranta si Ruby, huling-huli na s'ya sa klase dahil tanghali na s'ya tumayo. Hindi pa s'ya makakakilos nang mabilis dahil hangang ngayon ay masakit pa ang pagitan ng mga hita n'ya.

I-ika-ika s'yang bumyahe papunta sa El Greaco University.

Nang makarating ay mabilis na hinanap n'ya ang room 111, agad n'yang pinihit ang siradura ng pinto pabukas.

Halos bumagsak ang panga n'ya sa sahig, nanlamig ang buo n'yang katawan. Ganoon na lang ang pagkabigla n'ya ng tumambad sa kan'ya ang lalaking nagpabaliw sa katinuan n'ya nang nakaraang gabi.

'S-si Zexter ang  prof.  ko? Paktay! Anong gagawin ko?'

"First day of class and you're late?" striktong turan nito sa kan'ya.  Pilit na nilunon ni Ruby ang kaba, pinakalma ang sarili at tipid na ngumiti.

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Onde as histórias ganham vida. Descobre agora