18

365 7 71
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

[ R-18 || Read at your own risk. ]

[ CHAPTER 18  ]

True to his words, Zexter started to woo Ruby or more like seduced her. Sa sampung araw na nakalipas ay walang ginawa si Zexter kundi ang magbigay ng mga motibong nagpapagulo sa katinuan ni Ruby.

Katulad na lang noong nakaraang Lunes, nasa klase sila at kasalukuyang nag-aaral nang patayuin ni Zexter si Ruby. Inasahan na ni Ruby na mapapahiya s'ya gaya ng nakasanayan pero laking gulat ng buong klase nang ngitian s'ya ni Zexter kahit naka-ilang maling sagot s'ya sa tanong nito. Hindi s'ya nito binulyawan o ano.

Nginitian s'ya! As in! Nabatak pataas ang magkabilang sulok ng maninipis na labi nito, sumilip ang mapuputing ngipin at halos mabulag sila sa ngiting pinakita ng guro nila. Parang ngang kumikinang pa si Zexter dahil sa guwapo ng ngiti nito! Makalaglag panti!

Sa sobrang tindi nang epekto ng ngiti ni Zexter ay kumalabog ang puso n'ya, mabilis s'yang yumuko para itago ang pinipigilang ngiti.

Noong nakaraang Miyerkules, walang dalang takdang aralin si Ruby dahil sobrang napagod s'ya sa trabaho sa coffee shop, nakatulog s'ya nang hindi nagagawa ang aralin.

Bagsak na ang dalawang balikat n'ya dahil alam n'yang babawasan na naman ni Zexter ang grado n'ya pero nawindang ang mundo n'ya nang masuyong guluhin lang nito ang buhok n'ya at nakangiting sinabi na, 'That's okay sunshine, next time don't forget it okay?'

Hangang sa pagtulog tuloy ay dala pa ni Ruby ang matatamis na ngiti ni Zexter. Hindi lang iyon, kada maririnig n'ya ang salitang 'sunshine' kusang magkakandirit ang puso n'ya.

Sumunod ay, pagod na pagod si Ruby sa ensayo nila ni Sean. Maaga s'yang pumasok sa klase ni Zexter, sinubsub n'ya ang mukha sa braso habang nakaobob sa lamesa ng upuan n'ya. Nakapikit ang matang pinapawi n'ya ang hingal pero laking gulat n'ya nang may humaplos sa buhok n'ya.

Pag-angat n'ya nang tingin, ang guwapong mukha ni Zexter ang tumambad sa kan'ya. Naka-yuko ito sa harap n'ya habang may bote ng mineral water sa kabilang kamay. Parang sinusuyong hinahaplos nito ang buhok n'ya.

Napaawang ang bibig ni Ruby nang kinuha ni Zexter ang panyo mula sa pantalon saka pinunasan ang mga pawis sa mukha n'ya. 'Take care of yourself sunshine, okay?' sambit nito sa kan'ya at nakangiting iniabot ang bote ng tubig.

Walang nagawa si Ruby kundi ang tumango, tumango habang ang magkabilang pisngi ay halos daigin na ang kulay ng mansanas sa pamumula, habang ang puso ay halos sumabog na sa sobrang lakas ng kabog.

Pero mali! Maling mali ang kiligin sa mga pinapakita ni Zexter. Pero anong gagawin n'ya?

Eh ang galing magpakilig ng isang Zexter Greaco.

Hindi uso sa lalaking 'to ang salitang 'cold' , ang salitang 'iniiwasan!'

Hindi na alam ni Ruby ang gagawin, kahit anong gawin n'yang pag-iwas sa guro ay laging nalulusutan nito.

Her cold demeanor couldn't stop his hot seduction.

"Ruby, what are you doing?" Naputol ang pagmumuni ni Ruby nang marinig n'ya ang baritonong tinig ni Zexter. Agad na umakyat ang dugo n'ya sa mukha nang makita n'yang mukhang naaliw na naman si Zexter sa kan'ya.

"A-ano p-po, a-a," gusto n'yang magpalusot pero huminto sa paggana ang utak n'ya nang mapansing sila na lang ni Zexter ang nasa loob ng silid nito.

"What are you thinking to the point that you didn't realize that our class ended a while ago?" he playfully asked then he slowly walk towards her.

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Où les histoires vivent. Découvrez maintenant