8

359 9 2
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

( CHAPTER 08 )

Maagang dumating sa El Graeco University si Ruby agad na hinanap n'ya ang nang indiyan sa kan'ya kagabi. She smiled mischieveously when she spotted Sean sitting on the bench at the one corner of the huge quadrangle.

Dahan-dahan n'yang nilapitan ito. "Aray! Pucha!" sigaw ni Sean, Nakahawak sa ulo na inis na lumingon s'ya. "Bakit mo 'ko binatukan? Masakit 'yun ah!" takang tanong n'ya kay Ruby na nakabusangot sa kan'ya. Nakataas ang kilay nito at nakapamewang. "Sabi ko pumunta ka sa trabaho ko para ilibre kita sa uwian. Naghintay ako hanggang twelve- thiry. Wala ka!" sikmat sa kan'ya nito saka umupo sa tabi n'ya.

Napasimangot na hinimas-himas n'ya ng nasaktang ulo. "Eh kasi inutusan ako ni Sir. Zexter kagabi," paliwanag n'ya na ikinakunot ng noo ni Ruby. "Sorry na kasi, huwag ka na magalit," paglalambing n'ya hinawakan pa n'ya sa braso ito at bahagyang niyugyog.

"Anong inutos ba sa'yo ni Sir at inabot ka ng hating gabi?"

"Ganito kasi 'yon nasa music studio ako para magparegister sa dance competition kaso ang haba ng pila, anong oras na, ang ginawa ko nagpaalam ako kay Ma'am Joson na bukas na lang ako magparegister kasi nga pupuntahan kita-" kuwento n'ya saka wala sa sariling bumaba ang kamay n'ya mula sa braso ni Ruby papunta sa kamay nito at pinaglaruan ang guhit ng palad nito.

"-Tapos mula sa kung saan sumulpot si Sir. Zexter, pinahintay n'ya sa akin na matapos ang pila kahit ayaw ko. Hindi lang 'yon inutusan n'ya pa 'ko na bago umuwi ayusin 'ko 'yung mga upuan ng ginamit ng mga nagparegister kahit lampas bente naman ang janitor ng school at hindi ako isa doon."

Nangigil na napisil n'ya sa inis ang inosenteng palad ni Ruby nang maalala n'ya ang ginawa ni Zexter. Hindi naman nagreklamo ito kahit nasaktan. "Huwag na lang natin pag-usapan 'yon para hindi ka mainis ang aga-aga eh."

Napangiti s'ya dito, nahinto s'ya at tinitigan ang mukha nito. Kapg ito talaga ang kasama n'ya parang ang gaan lang ng lahat.

Bahagyang nailang si Ruby nang matiim s'yang tingnan ni Sean. "B-bakit?" naiilang na tanong n'ya.

"Bakit ba ang ganda-ganda mo?" seryosong sambit nito na para bang wala ito sasarili. Tila ba nagandahan lang talaga ito sa nakikita at hindi mapigilang sabihin.

And that... makes her blush.

"B-baliw!" Parang napasong binawi n'ya ang palad na hawak nito at nag-iwas ng tingin. Pilit n'yang sinupil ang kinikilig na ngiti. Sino ba naman kasing hindi kikiligin? 'Di ba?

Natauhan naman bigla si Sean. Napa-upo ito ng tuwid, kapwa sila natahimik.

"A-anong dance competition ba s-sasalihan m-mo?" pag-iiba ni Ruby ng usapan. She doesn't want to be akward with Sean so as much as possible she tried to move back to normal the mood of their conversation.

Hindi agad nakasagot si Sean, nahihiyang tumikhim muna ito bago nagsalita, "A-ano, p-para sa school foundation sa katapusan."

"School foundation? Agad? Kakasimula pa lang ng klase ah."

"Oo, August kasi tinayo ang El Greaco University eh," paliwanag nito sa kan'ya habang kung saan-saan tumitingin.

"Sali ako," prisinta ni Ruby. Humarap s'ya kay Sean, napansin n'yang namumula ang magkabilang tenga nito pero di n'ya sinabi. "Partner tayo, sali ako," nakangiting ulit n'ya.

Nilingon s'ya ni Sean at nagtatanong ang mga mata nito.

"Marunong akong sumayaw, 'di ba nga tinulongan pa kita noong biglaang napa-ensayo tayo kay Sir. Zexter." Natatawang tuluyang humarap sa kan'ya si Sean. "Oi sayaw sabi ko ha, sayaw hindi excercise."

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon