20

382 8 56
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

[ CHAPTER 20  ]

Bumalikwas ng upo si Ruby nang magising s'ya sa isang hindi pamilyar na kuwarto, kinusot- kusot n'ya ang mga mata saka sinuri ang paligid.

Parang pagmamay-ari ng isang lalaki ang silid dahil ang mga kulay na pinili nito ay walang bahid ng pagiging babae. Itim ang mga kurtina ng bintana maging ang study table na nasa kaliwa ng kama ay itim. Puti ang kobre kama at unan. Ash gray ang ding-ding pati ang matress nito ay magkahalong itim at puti.

Kumilos s'ya para tumayo pero napahinto s'ya nang kumirot ang magkabilang hita n'ya, napadaing s'ya sa sobrang kirot, parang wala s'yang lakas para makalakad. Pinilit n'yang gumalaw dahil sa takot na baka masamang tao ang nakakuha sa kan'ya pero dahil wala s'yang lakas muntikan na s'yang malaglag sa kama bago pa man n'ya maitapak sa sahig ang mga paa n'ya. Mabuti na lang ay may dalawang matipunong brasong  agad na nakasalo sa kan'ya at iniangat s'ya para ibalik sa ibabaw ng kama.

"You're awake, are you hungry sunshine?" tanong sa kan'ya ni Zexter nang mailapag s'ya nito sa kama. Parang kaswal lang sa lalaki na makita s'ya  pero si Ruby ay gulat na gulat na napatitig sa guwapo n'yang professor.

Casual ang suot ng lalaki ngayon, puting t-shirt at black cotton short, mukha rin itong bagong ligo dahil basa pa ang buhok at amoy na amoy n'ya ang mabangong sabon nito.

"Nasaan ako?" tanong n'ya. Hindi n'ya alam pero kinakabahan s'ya, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib n'ya.

Nginitian s'ya ni Zexter saka hinawi nito ang buhok n'ya na humarang sa pisngi n'ya. "You're in my condo. After you passed out, I brought you here," sambit nito saka umupo sa kama paharap sa kan'ya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito na para bang may masayang nangyari dito.

Nang sabihin nitong nawalan s'ya nang malay ay saka lang n'ya naalala ang mga mahahalay pero masasarap na ginawa nila. Parang anime na biglang umakyat ang dugo n'ya sa mukha n'ya, naitakip n'ya ang mga kamay sa mukha nang maalalang nagsisigaw sa labas ng silid ang ama ni Zexter habang nagtatalik sila.

'shit! nakakahiya!'

Lalo s'yang namula nang marinig n'ya ang mahinang pagtawa ni Zexter, parang nagsirko ang t'yan n'ya dahil sa baritonong tinig nito na tila musika sa kan'yang pandinig.

Gusto na lang tuloy n'ya na kainin s'ya ng lupa! Now na as in ngayon na! Sa sobrang hiya ay nagtangka ulit s'yang tumayo habang nakatakip pa rin ang mukha ngunit agad s'yang napa-upo ulit dahil pagtapak ng mga paa n'ya sa sahig ay may likidong gumapang sa hita n'ya.

Napatingin s'ya sa hita at nanlaki ang mga mata nang makakita ng dugo, mas lumaki pa ang mga mata n'ya nang mapagtantong wala s'yang kahit anong suot bukod sa isang malaking puting t-shirt na hangang tuhod n'ya.

Napapikit s'ya sa sobrang kahihiyan. Gusto na talaga n'yang magpalamon sa lupa!

Nagmulat lang s'ya nang mata nang marinig n'ya ang nag-alalang boses ni Zexter. "Hey, you're bleeding sunshine, just sit on the bed don't try to move."

"Kailangan kong tumayo, mamantsahan 'yung kama mo," pamimilit n'ya saka muling nagtangkang tumayo pero naunahan s'ya ni Zexter, parang bagong kasal na binuhat s'ya nito. Napaawang na lang ang bibig n'ya nang dalhin s'ya ni Zexter sa banyo at ibinababa sa walang lamang bathtub.

"Don't mind my bed, it's okay, wait here I'll buy you some napkins and clothes," sambit ni Zexter saka s'ya kinintalan ng halik sa noo. Aangal pa sana s'ya ngunit mabilis na kumilos ang lalaki at iniwan s'ya.

Naiwan s'yang nahihiya, nag-aalala at higit sa lahat kinikilig! Baliw na ata s'ya.

Habang naghihintay sa lalaki ay nagmuni-muni si Ruby, tinanong n'ya ang sarili kung tama ba ang mga nangyayari, para kasing masyadong malabo, masyadong mabilis dahil sa isang iglap ay ibinigay n'ya ulit ang sarili kay Zexter.

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ