15

366 5 64
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

[ CHAPTER 15  ]

Magtatanong na sana si Ruby sa kung ano bang ibig sabihin ni Zexter sa 'What's mine is mine' pero naunahan na s'ya ni Sean.

"Sir, mayroon ba talagang sa'yo? Para kasing wala naman," nakangiting turan ni Sean na lalong nagpadilim sa hilatsa ng mukha ni Zexter.

Sandali nitong masamang tinitigan si Sean saka bumaling ang matiim na tingin kay Ruby. Napalunok si Ruby dahil hindi n'ya maunawaan ang ipinahihiwatig ng tingin sa kan'ya ni Zexter mas lalo pa s'yang nalito sa mga salitang binitawan nito.

"Not mine...Yet...But soon."

Ruby blinked, pinigilan n'ya'ng mapangiti,   pasimpleng hinawakan n'ya ang dibdib kung saan matatagpuan ang puso para pakalmahin ang pagtatalon-talon nito.

Tagos kasi hanggang buto ang kilig n'ya dahil sa mga tingin ni Zexter sa kan'ya tapos kung makapagsalita pa ito parang napaka-possessive!

Zexter looked at Sean again and smirked. "Don't fret Sean, I'm just quoting the lines that I've read on my phone," he said while pointing his phone in his left hand.

Mukhang nakahinga nang maluwag ang nakasimangot na Sean samantalang si Ruby naman ang nalukot ang mukha.

'𝖯𝖺𝖺𝗌𝖺! 𝖠𝗄𝖺𝗅𝖺 𝗄𝗈 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇 𝗄𝗎𝗇𝗀 𝖺𝗇𝗈𝗇𝗀 𝗂𝖻𝗂𝗀 𝗆𝗈𝗇𝗀 𝗌𝖺𝖻𝗂𝗁𝗂𝗇! 𝖬𝖺𝗒 𝗉𝖺𝗍𝗂𝗍𝗂𝗀-𝗍𝗂𝗍𝗂𝗀 𝗄𝖺 𝗉𝖺 𝗌𝖺'𝗄𝗂𝗇!' inis na sigaw ni Ruby sa isip habang ang labi ay nag-isang linya na sa inis.

"Ganoon po ba? Mauuna na kami Sir kasi gabi na rin po," paalam ni Sean saka hinila na si Ruby.

"Wait!" pigil ni Zexter. Huminto ang dalawa at nilingon ito.

"I thought you're coming home with me Castanieda? we have an agreement, do we not?" Zexter asked grimly. Ruby gulped, her hand shakes a little but Sean comforts her by lightly squeezing her palm.

Gusto n'yang sabihing naiinis s'ya sa magpaglarong salita at kilos nito kaya nagbago na ang isip n'ya at ayaw na n'yang sumabay dito pero iba ang namutawi sa bibig n'ya, "A-ano kasi Sir kailangan ko po k-kasi sumabay kay Sean, k-kasi po may practice pa kami ng sayaw," pagdadahilan n'ya na ikinataas ng kilay ni Zexter.

"Twelve - thirty in the morning?" naghihinalang tanong ni Zexter sa kan'ya.

Mabilis s'yang tumango at pilit na ngumiti. Hindi ito kumibo, para tuluyang s'yang sinisilihan sa kintatayuan dahil sa tindi ng inis na nababasa n'ya sa mata ni Zexter.

Nakahinga lang s'ya ng maluwag nang bumalik ito kay Sean. "Very well then," sambit nito saka tumalikod at walang paalam na sumakay ng kotse.

Naiwan silang dalawa ni Sean na nagtataka kung bakit na naman ba nagalit ang guro nila. Nakabawi lang si Ruby nang ayain na s'ya ni Sean.

"Bakit ka pala biglang sumulpot dito?" takang tanong ni Ruby, naglalakad na sila patungo sa bahay n'ya habang magkahawak pa rin ang kamay.

"Hmmmm, maghapon ka kasing wala sa sarili kaya nag-alala ako sa'yo," mahinang turan ni Sean sa kan'ya habang nakatuon ang tingin sa daan.

"A-ayos lang n-naman ako ah," namumulang tugon n'ya sa sinabi ni Sean. Bakit ba kasi napakalambing ng lalaking 'to.

"Alam ko namang ayos ka, wala lang, hindi lang ako mapakali kaya gusto ko masigurong makakauwi ka ng ligtas."

Napayuko si Ruby upang itago ang ngiti dahil sa sinabi ni Sean. Siguro kung hindi si Zexter ang nauna sa puri n'ya ay malamang mabilis na mapapasok n'ya sa puso n'ya si Sean.

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Where stories live. Discover now