6

411 6 2
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

( CHAPTER 06 )

Pangalawang araw ng klase, late na naman si Ruby. Nahuli s'ya nang kalahating oras dahil dumaan pa s'ya kay Rachelle para magpasa  ng resignation letter at makipagpalitan ng paalam sa nanay-nanayan. Nagtagal pa s'ya dahil hindi sinasadyang nasabi n'yang guro n'ya pala n'ya ang lalaking nakatalik.

Dahil dakilang tsismosa si Rachelle, hindi s'ya nito pinaalis hanggang hindi n'ya nakukuwento lahat ng detalyeng nangyari sa unibersidad na pinapasukan.

Hinihingal na pumasok s'ya ng silid. Agad s'yang nahiya nang maglingunan lahat sa kan'ya, isa na si Zexter na taas kilay s'yang sinuri ng tingin.

'𝘍𝘷𝘤𝘬! 𝘏𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘷𝘤𝘬 𝘤𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘐 𝘬𝘪𝘤𝘬 𝘩𝘦𝘳 𝘰𝘶𝘵 𝘪𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘴𝘩𝘰𝘸𝘦𝘥 𝘶𝘱 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘢 𝘨𝘰𝘥𝘥𝘢𝘮𝘯 𝘨𝘰𝘥𝘥𝘦𝘴𝘴!?'

Kumurap si Zexter, pinilit n'yang tumuwid ang takbo ng isip. Nakakawala nga naman kasi nang tamang desisyon ang itsura ngayon ni Ruby. Bahagyang namumula ang pisngi nito dahil siguro sa init ng panahon. Lumutang ang kagandahan nito dahil nakaponytail ng mataas ang mahaba nitong buhok.

'𝘍𝘷𝘤𝘬! 𝘚𝘩𝘦'𝘴 𝘪𝘯𝘯𝘰𝘤𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘣𝘦𝘢𝘶𝘵𝘪𝘧𝘶𝘭!'

Mabilis ang pagbaba-taas ng malulusog nitong dibdib dahil sa hingal, nakabukas pa ang una hanggang dalawang butones ng suot nitong uniporme kaya natatanaw ang makinis na pisngi ng dibdib nito.

Bigla atang tumaas ang temperatura ng silid kahit pa naka-aircon lalo na nang bumaba ang tingin ni Zexter sa suot na itim na slack ni Ruby, perpektong ang pagkakayakap ng tela sa perpektong hubog ng bilugang-hita ni Ruby.

Wala sa oras na tumikhim s'ya at nag-iwas ng mata, mabilis lang naman n'yang pinasadahan ng tingin si Ruby pero pakiramdam n'ya ay isang taon s'yang nauuhaw dahil sa babae.

Hinala na n'yang ganito ang ayos ng dalaga dahil sa pagmamadali pero ang maruming utak n'ya ay iniisip na sinadya ito ng babae para akitin s'ya.

Nilunok muna n'ya ang pagnanasang bumabara sa lalamunan saka nagsalita, "You're late again Castanieda, minus ten to your recitation card."

Bahagya s'yang nakonsensya ng mabilis na dumaan ang lungkot sa mukha ni Ruby. Gusto n'yang bawiin agad ang sinabi pero hindi dapat.

He should kick her out not think of many ways to fvck her

"Sorry po," may lungkot sa tinig na turan ni Ruby pagkatapos n'yang marinig ang malamig na salita ni Zexter.

Nakayukong nagtungo s'ya sa upuan n'ya, akala pa naman n'ya hindi na magiging malamig ang pakikitungo ni Zexter sa kan'ya matapos ang nangyari kahapon. Mukhang mali sya dahil mas mukhang dumuble ang pader na tinayo nito sa sa pagitan nila. Ganoon ba talaga talaga ang pagkamuhi nito sa kan'ya?

"Ayos ka na?" mahinang tanong ni Sean pagkaupo n'ya.

Lutang na nilingon ni Ruby si Sean, bakas ang pag-aalala sa mukha nito kaya agad s'yang tumango para mawala na ang pag-alala nito.

"Sama ka sa'kin mamaya, libre kita," nakangiting yaya nito na ikinataas ng kilay n'ya. "Bakit ka naman manglilibre?" takang tanong n'ya.

Napakamot ito sa batok. "Pambawi, alam mo na? Hindi ka naman mapapaexercise ng wala sa oras kahapon kung hindi kita dinaldal eh."

"Ano ka ba, wala iyon," turan n'ya at bahagya pang natawa.

"Sige na libre na kita para hindi na ako makonsensya," pamimilit nito. Mataman n'ya  itong tiningnan saka nagsalita, "May lakad kasi ako mamaya, maghahanap ako ng part time job."

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora