16

350 7 17
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

[ CHAPTER 16 ]

Kinaumagahan ay kunot noong napako ang tingin ni Zero sa anak. Hindi n'ya alam kung dapat na bang isugod sa pinakamalapit na mental hospital si Zexter o dapat n'ya na agad itong isako.

Kinakabahan s'ya na baka nasapian na ito ng masamang ispirito o nabaliw na ito dahil abot hangang magkabilang tenga ang ngiti nito pagkapasok ng kusina.

At ang isang Zexter Greaco ay hindi basta-basta nangiti sa umaga. He's not a morning person but he's shining more than the happy sun.

Tinitingan n'ya ang anak hanggang sa matapos itong magtimpla ng kape at umupo sa lamesa. Nagdududang nilapitan n'ya si Zexter at hinawakan ito sa noo, pinisil-pisil ang mukha at nang makumpirmang wala namang lagnat ay dumistansya s'ya dito at kunot noong nagtanong, "Are you okay son?"

Nanlaki ang mata n'ya nang nakangiting itinaas ni Zexter ang tasa ng kape na parang inaalok s'ya nito na magkape.

"I'm good Dad, Do you want coffee?"

Still dumbfounded, Zero sat on the chair near Zexter. "What happened last night? Did you fvcked her or something? Why are you smiling like that?"

"Am I not allowed to be happy now?" nakangiting tanong ni Zexter na ikinatanga n'ya.

What the hell? Ano na bang nangyayari sa anak n'ya? Kagabi lang parang dragon ito na galit na galit tapos ngayon parang anghel na ito na bagong baba sa langit?

Nakatulala sa anak na nagsalin ng tubig sa baso si Zero, kahit nagkandatapon tapon na ang tubig hindi n'ya inaalis ang tingin sa anak.

Nauuhaw s'ya dahil sa paninibago kay Zexter.Totoo ba talaga 'to? Ang anak n'yang mainitin ang ulo, ngiting ngiti ngayon? Hindi nga?

Hanggang makasakay sila ng sasakyan at makarating ng El Graeco University ay hindi nawawala ang masayang awra ni Zexter. Nababahala na nga si Zero dahil nginingitian ng anak ang bawat makasalubong samantalang tinaguriang 'guwapong isnabero' si Zexter.

"Good Morning!" bati nang ilang kababaihang estudyante.

Tiningnan ito ni Zexter at nginitian. "Good Morning too!"

Kulang na lang ay damputin ni Zero sa sahig ang panga nang bumati si Zexter pabalik at talagang may pagkaway pa!

Maging ang bawat madaanan nila na babatiin ni Zexter pabalik ay naiiwang nakanganga.

'Hala si sir Zexter ngumiti?'

'End of the world na ba?, hindi nakasimangot si Sir,'

'Teka, parang tulog pa ako, totoo ba ang nakikita ko?'

'Kyaaah! ang guwapo ni Sir, lalo na kapag naka-smile'

Ilan lang 'yan sa mga naririnig nila Zero sa hallway papunta sa office nila ni Zexter. Buong El Graeco Univeristy nawindang sa ngiti ni Zexter pero tila baliwala ito sa lalaki dahil tuloy-tuloy lang ang pagiging masaya nito hanggang mapadaan sila sa music studio.

Napalunok na lang si Zero nang makita n'yang ang maliwanag na araw ng anak ay biglang nabalot ng kadiliman.

Kung baga sa anime bigla itong nagkaroon ng madilim na ulap sa likuran habang ang mga mata ay nagaapoy na nakatingin sa dalawang kabataang nag-eensayo ng sayaw.

[ I'm bringing sexy back (yeah)Them other boys don't know how to act(Yeah)I think it's special what's behind your back(Yeah)So turn around and I'll pick up the slack(Yeah)(Take 'em to the bridge) come on]

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum