23

351 6 14
                                    

𝗧𝗘𝗠𝗣𝗢𝗥𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗛𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗙𝗘𝗦𝗦𝗢𝗥

[ CHAPTER 23 ]

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang sabihin ni Zexter na gusto n'ya si Ruby. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay walang ginawa si Ruby kung hindi ang iwasan s'ya.

Naiinis na bumuntong hininga s'ya saka sumandal sa upuan. Nasa loob s'ya ngayon ng classroom n'ya kasama si Zero.

Nakaupo s'ya sa harap ng lamesa habang ito ay naka-upo sa isa sa upuan ng estdudyante n'ya at nakaharap sa white board.

"What is it son?" tanong ng papa n'ya, pansin na nito na wala s'ya sa mood.

"Nothing," pagsisinungaling n'ya saka muling bumuntong hininga.

"I know you hate parties but today is our schools anniversary, you don't have to be so grumpy about it. This only happens once a year so can you at least try to understand and stop sighing like this is gonna kill you any moment," turan ni Zero.

Akala siguro nito ay ang nagaganap na party sa university ang dahilan kung bakit nakasambakol ang mukha n'ya, hindi naman kasi n'ya sinasabi kay Zero na si Ruby ang dahilan kaya s'ya naiirita.

"That's not it dad, actually it's Ruby."

Mabilis naman na lumingon ang tatay n'ya, inurong pa nito ang upuan na nakaharap sa white board para lang makaharap sa kan'ya. Tinaasan s'ya nito ng kilay.

"So it's about your girl," turan nito, may nanunudyong ngiti sa labi nito.

"I told her that I want her to be mine and now she's ignoring me," malungkot na sumbong n'ya sa tatay n'ya saka muling bumuntong hininga.

"She rejected you again?" bakas sa tinig ni Zero na hindi ito makapaniwala.

"No, She doesn't but she keeps on hiding from me. Tuwing magkakasalubong kami sa hallway gagawa s'ya ng paraan para makalayo, sa klase ko naman sa tuwing tatawagin ko s'ya napakapormal n'ya na para bang ayaw n'ya akong kausap ni tingnan man lang," paliwanag n'ya at wala sa sariling kumuyom ang kamay n'ya na nakapatong sa lamesa.

Magkahalong inis at pangungulila ang nararamdaman n'ya, hindi n'ya kasi lubusang maintindihan kung bakit s'ya nilalayuan ni Ruby samantalang maayos naman sila noong huli silang nagkausap.

"Wow! I don't really know in which part I will be more shocked, on the fact that she has the power to mess with your mind or on the part that you just spoke in Tagalog," pang-aasar ni Zero sa kan'ya na ikinairap n'ya.

Hindi s'ya sumagot, bumuntong hininga lang s'ya ulit.

"Maybe she's just afraid, you know she's your student after all, there's a rule that you can't be romantically involve with your students. Maybe she's just afraid of what will be the outcome."

"I own this university dad," Zexter said with confidence. In other words he doesn't care about the rule.

"But you don't own the law Zexter."

Binaliwala n'ya ang sinabi ni Zexer, tanging si Ruby lang ang iniisip n'ya , ano ba kasing dapat ikatakot ni Ruby sa kan'ya? Hindi naman n'ya kakagatin 'yon, siguro kung nasa ibabaw sila ng kama at kapwa nakahubad, siguro makagat nga n'ya, hindi lang kagat kakainin pa n'ya si Ruby.

Marahas s'yang umiling para alisin ang mga hubad na larawan na biglang pumasok sa isip n'ya, tumayo s'ya saka tumingin kay Zero na prenteng naka-upo pa rin.

Sinenyasan lang n'ya ito na lalabas na sila kaya naman agad itong tumayo saka sumunod sa kan'ya palabas.

Pagtapak nila sa labas ng pinto ay bumungad na sa kanila ang masayang atmospera ng paligid. Maraming bandiritas ang nakasabit, nagsisilbing mga dekarosyon sa ibabaw ng malawak na quadrangle. Sa bawat sulok ay may mga pulang bulaklak na nagpapatingkad sa magarbong kaganapan.

TEMPORARY PLEASURE WITH MY HOT PROFESSOR Where stories live. Discover now