CHAPTER 12

282 169 5
                                    

Pagka uwi namin sa bahay, aakyat na sana ako nang may biglang yumakap sa akin sa likod.

"Hi, Clairey. Ginabi ka yata pag uwi, hmm," aniya habang naka yakap pa rin sa akin.

He's drunk!

I faced him, pushing him away, "Don't you dare do that again. Wala kang karapatan, Gray."

"Saan ka ba nagpunta? Sino ang kasama mo? Bakit ka ginabi?" Sunod-sunod niyang tanong.

I sighed, "It's none of your business."

Humakbang siya papalapit, "So, it's true then. 'Yung boyfriend mo ba ang kasama mo?"

"Yeah. Ano namang pakialam mo? Malakas lang kapit mo dahil may arrangement tayo. Wala kang karapatan para pigilan ako sa mga gusto ko." Galit kong saad.

I can see that he's faking his smile.

Yumuko siya, "Claire, sana nga madali lang 'to para sa akin na tanggapin 'tong sitwasyon natin. Hindi ko lang kasi maisip, eh. Nagsisisi akong iniwan kita noon, may malalim akong dahilan kung bakit nagawa ko 'yun. Karma ko na 'to, nagpabulag ako sa kasinungalingan."

Tinititigan ko lang siya pero hindi ko alam ang mga sinasabi niya.

Anong dahilan niya? Bakit siya nagsisisi?

Umiling ako, "Past is past. Wala nang babalikan dahil lahat nang 'yon, kinalimutan ko na. Ayokong makarinig ulit ng kasinungalingan."

He lifted his head. Pinipigilan niyang hindi maluha pero sunod-sunod na pumapatak ito sa mukha niya.

Nakikita ko ang pagsisisi niya sa harap ko ngayon.

His lower lip trembled, wiping his tears, "I'm sorry. I can't believe that I did that to you."

Hindi ko namalayan, umiiyak na rin pala ako.

Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksiyon ko, magkahalong galit at awa 'yung nararamdaman ko ngayon.

Napatingin ako sa kaniya habang siya ay naka yuko at umiiyak, "I'm sorry too. The feeling is not mutual, I can't love you the way you love me. We can't force ourselves."

"What's happening here?"

Biglang dumating si Mommy. Inayos ko sarili ko at tumingin sa kaniya.

I looked at her, "Akyat na ako sa taas, pagod ako ngayon. 'Di na rin ako kakain, Mommy. Paki sabi nalang kay Kuya na pumunta na ako sa kwarto."

Tuluyan na akong tumalikod sa kanila at umakyat na sa taas papunta sa aking kwarto.

I locked the door of my room.

Sumampa na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Patuloy pa rin akong umiiyak sa mga nangyari kanina sa baba.

Hindi ko na alam kung anong patutunguhan ng buhay ko.

Kinabukasan, naging maganda ang gising ko. 'Di ko nga alam kung bakit pero nakaramdam ako ng saya. Natapos na ang class namin ng maaga dahil may laro na aabangan mamaya.

Habang naglalakad ako ngayon sa hallway, sumingit si Marie, "Hoy sis! Ngiting ngiti ka, ah. Anong mayro'n?"

"Huh? Wala ah!" Pagdedepensa ko.

"By the way, nood tayo mamaya ha. May ticket ka na?" Tanong naman niya.

"Yes, Asher gave me 2 tickets." Napatigil siya sa paglalakad at hinarap niya ako.

The Eye of the VarsityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon