CHAPTER 10

328 197 7
                                    

Pagkapasok ko ng room, tumabi ako kay Marie. Hindi na siya nagulat na pumasok na ako dahil siya ang unang nakaalam.

"Goodmorning, since midterm examination is fast approaching, let's review the whole lesson we have in this term in your major," sabi ni Mr. Wang sa amin habang nakatingin sa kaniyang laptop.

Marie whispered, "Claire, tuloy na kayo mamaya ni Asher."

I nodded at her, "Yes, after our class."

Straight four hours, natapos din ang review namin sa major subjects.

"Okay listen, after your midterm examinations, you're going to have an On-Job-Training or OJT for your final assessment in this course. This is a requirement where you are trained or prepared for your certain career." Tumayo si Mr. Wang at sumandal sa mesa. "I'll give you the list where you were designated in different branches of government and private offices."

"Noted, Mr. Wang," we said in unison.

"That's all for today." Ngumiti siya at nagpaalam na sa amin.

Habang nag aayos ako ng aking mga gamit, niyugyog ni Marie ang balikat ko.

"Excited ka na ba sa date niyo ni Asher?" she asked, excitedly.

Tumayo ako nang tuwid at tumingin sa kaniya, "Marie, it's not a date, catch up lang."

Nang makarating kami sa parking lot, naunang umalis si Marie dahil may tatapusin pa siyang school work habang ako hinihintay si Kuya.

Once Kuya Caius arrived, sumakay agad ako sa kotse.

"Excited sa date?" he asked, teasing me.

I rolled my eyes, "It's not a date, Kuya."

Pagkarating namin sa bahay, bumaba agad ako habang si Kuya inaayos ang parking ng kotse.

"Hello, Claire. Kumusta ka ngayon?" Sinalubong ako ng isang maid namin dito sa bahay.

Ngumiti ako sa kaniya, "Hello po, manang Carla. Okay lang naman po ako, magpapahinga lang po ako saglit dahil may lakad pa po ako mamaya."

"Gano'n ba? Oh, sige na magpahinga kana roon sa taas at sigurado akong pagod ka ngayon," she caressed my back.

Tumango ako, "Opo, maraming salamat po."

Umakyat na ako sa taas at pagkapasok ko ng aking kuwarto, nilagay ko 'yung bag sa bed side table.

Kahit hindi pa ako nakakapagpalit ng damit, humiga ako sa kama. Ipipikit ko na sana ang mata ko pero biglang tumunog ang aking cellphone.

Kinuha ko ito sa aking tabi.

Unknown number calling...

"Hello, who's this?" I asked, answering the call.

"Hi, girl in the hallway," aniya sa kabilang linya.

'Yun pa lang ang sinabi niya pero alam ko na kung sino 'tong tumatawag.

Napatakip ako ng bibig at umupo sa kama, "How did you get my number?"

"I guess I have my ways, Claire," he answered it in a deep husky voice.

"Ang ayos ng sagot mo." Mataray kong sabi sa kaniya.

"Just get ready and we're going to have our first date, Claire. See you at exactly 1:30 pm at Beyond Coffee," he chuckled, dropping the call.

He knows how to play the game, huh?

Tumayo na ako at pumunta sa closet para mamili ng susuotin.

I decided to wear a white curve v flounce sleeve partnered with a cream draped skirt and of course a T-strap platform heels, then I grabbed my phone and my Chanel strap push-lock shoulder bag.

I'm ready to go.

See you, Asher...

----------
❤️

The Eye of the VarsityOnde histórias criam vida. Descubra agora