CHAPTER 35

148 27 10
                                    

I laughed, sarcastically, "Are you telling lies again, Gray? Huwag mong idadamay ang pamilya ko."

He looked at me, sincerely, "I'm not telling lies, Claire. Tinago talaga 'to sa 'yo ng sarili mong pamilya para makapaghiganti sa mga tumatayong magulang ko ngayon."

Nakatulala lang ako kay Gray at hindi na ako makapagsalita.

Kapag pamilya na ang pinag uusapan, bumabalik ang mga nakaraan sa pagitan ng aking pamilya.

Hinila ako ni Asher papunta sa kaniyang likod at siya na mismo ang nakipag usap kay Gray.

"Bibigyan mo na naman ng bagong problema si Claire?" he asked.

"She's my..." he pressed his lips together. "She's my sister."

Humigpit ang pagkapit ko sa braso ni Asher dahil sa nalaman ko.

Ibig sabihin...hindi lang si Kuya Caius ang kapatid ko? Pero bakit tinago nila ito sa akin?

"I want to know the whole story behind that," I said.

Napatingin silang dalawa sa akin.

Asher whispered, "Okay, let's go to your house. Aayusin natin 'to, okay?"

Sinarado niya ang pinto ng aking unit at tumingin siya kay Gray, "Ako na maghahatid kay Claire, sumunod ka na lang."

He nodded, "Okay."

Hindi sumabay sa amin si Gray dahil alam kong may ilangan pa rin sila ni Asher.

Nagtataka lang ako kung bakit tinago 'to sa akin at pinaniwala akong childhood friend ko lang si Gray.

He held my hand, "Hey, I know you're not okay right now. Maaayos din 'to, trust me this time. Panahon na rin siguro para ayusin ang relasyon ko sa pamilya mo."

Napatingin naman ako sa kaniya, "Alam ko naman 'yun...gusto ko nang ayusin 'to lahat. Ayaw kong dumating sa punto na sisisihin ko ang mismong sarili ko."

He started the engine of his car, not even letting go of my hand.

This is what I've been rooting for.

Maayos at mapayapang buhay sa aking sarili, pamilya, at sa aming dalawa ni Asher.

Alam kong naging matapang kami para harapin ang mga pagsubok na ito. 

Naniniwala na ako sa sinasabi nila na sa tamang oras ang pagpapatawad para isaayos ang mga dapat ayusin na problema.

"We're here, Claire. Are you ready?" Tanong niya nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng aming bahay.

Tumango ako at napatingin sa labas ng kotse.

Same old house, same memories.

Nakita ko namang nandito ang kotse ni Daddy at Kuya.

"Ma'am Claire, nakauwi na po pala kayo." Pagsalubong sa akin ng isang kasambahay namin. "Umupo po muna kayo rito, tatawagin ko lang si Sir Leonel at Ma'am Olivia."

Asher sat down but I didn't, instead, I roamed my eyes in the house.

Wala pa ring pinagbago, mabigat pa rin ang nararamdaman ko ngayon dito sa bahay.

Nakita kong bumaba sa hagdan si Kuya Caius.

"You missed the house, Claire?" he asked.

The Eye of the VarsityWhere stories live. Discover now