CHAPTER 38

130 33 2
                                    

"You're done, Claire. Ang ganda mo talaga...'yung kapatid mo ay ikakasal na ngayon, ikaw kailan pa?" Ate May asked, a professional make-up artist.

Nagkibit balikat ako, "Hindi ko pa po alam."

She chuckled, "Pero handa ka na ba?"

Napatigil ako sa kaniyang sinabi at tiningnan ko lang siya sa repleksiyon ng salamin.

I smiled, "I am."

Tumango naman siya at tumayo na ako sa upuan para si Mommy naman ang susunod na aayusan.

"Mommy, puntahan ko lang si Marie sa kabilang room." Pagpapaalam ko sa kaniya.

Tumango lang siya at kinuha ko muna ang box na maliit bago umalis sa room na 'yun.

Pagkarating ko sa room ni Marie, pumasok kaagad ako at nakikita ko itong tapos na siyang ayusan at nakasuot na ito ng kaniyang wedding gown.

"Claire, ang ganda mo!" Pagsigaw niya nang makita niya ako.

Niyakap ko siya nang mahigpit, "So, how's my sister-in-law?"

"Kinakabahan ako, Claire. Hindi ko alam kung bakit." Nanginginig niyang hinawakan ang kamay ko.

"Normal lang 'yan," I chuckled, giving her the small box. "Anyway, I have a gift for you. Sana magamit mo ito ngayon sa kasal mo."

The photographers of their wedding just captured our moment there.

Awe transformed her face, "Omg, a necklace. Thank you."

Kinuha niya ang necklace sa loob ng box at binigay iyon sa akin para ako magsuot sa kaniya.

I smiled, "Thankful lang ako dahil hindi mo iniwan si Kuya Caius."

Nakangiti lang siya at hindi na nakapagsalita dahil tinatawag na siya ng mga coordinator sa kasal.

Lumapit naman ang isang coordinator sa akin, "Ms. Claire, mauna raw po kayong pumunta sa simbahan. Magsisimula na po ang ceremony."

Tumango naman ako sa kaniya at nagpaalam na kay Marie para pumunta na sa simbahan.

Nang makarating ako sa simbahan, pagkababa ko sa kotseng sinakyan ko, nakita kong marami nang tao sa loob at naghahanda na sa papalapit na ceremony.

"Okay, we're ready to start the wedding."

Isa-isa nang pinalakad sa aisle ang mga kasali sa ceremony at habang hinahanap ko si Asher, may biglang humawak sa isang kamay ko.

Pinisil niya ang kamay ko, "Don't worry, I'm here."

I saw him wearing a black tuxedo partnered with his black pants and oxford shoes.

Ngumiti lang ako sa kaniya at nang kami na ang susunod, naglakad na kami nang sabay papasok sa simbahan.

The wedding ceremony went smoothly and tears are treaming down in my face.

After all the sacrifices and support he gave for me, finally, he decided to settle down.

Matapos ang ceremony sa simbahan, nandito na kami ngayon sa reception sa Sundowner Beach Villas kung saan dito naging kami ni Asher.

Nang makita ko silang dalawa, tumakbo kaagad ako papalapit sa kanila.

"Marie, you're finally my sister-in-law." Niyakap ko silang dalawa. "I'm so happy for the both of you, Kuya Caius."

Kuya Caius chuckled, "Don't worry, ikaw naman ang susunod."

Nabigla ako nang binigyan ako nilang dalawa ng sunflower.

Sunod-sunod namang may nagbigay sa akin ng mga sunflowers.

What's happening?

"Say yes."

Iyan ang mga tanging naririnig ko habang binibigyan nila ako ng mga bulaklak.

Nandito ako nakatayo sa gitna habang pinapalibutan ng mga tao.

Nabigla naman ako nang biglang may nagpatugtog ng paborito naming kanta.

Ang mga tao naman sa aking paligid ay sumasabay sa kanta.

"Having the chance to meet you is my biggest prayer. I know we've been through a lot for all these years. Iniwan mo 'ko nang mag isa dito sa Pilipinas pero alam kong may pag-asa pa tayo. Maraming nasayang na panahon sa ating dalawa pero ngayon...hindi ko na 'to papalagpasin," he said, walking towards me with a microphone in his hand.

Napatakip na lang ako ng aking bibig para pigilan ang paghagulgol.

Alam kong nababanggit na niya ito sa akin pero hindi ko alam kung kailan...ito na pala 'yun.

He smiled, "With the witness of the spectacular prelude to the dawn, the convergence of the sky and sunset, I'm taking this chance to ask you in front of everyone."

Lumuhod siya sa aking harapan at may kinuhang maliit na box sa kaniyang bulsa.

He looked me in the eyes, opening the box, "We deserve the very best to finally step up on our next chapter. Our past was memorable, Claire Althea Perez, can our future be infinite? Will you be my wife?"

Nanginginig akong kinuha ang microphone sa kaniya at huminga muna nang malalim bago magsalita.

Tahimik ang lahat habang naghihintay sa aking sagot.

"Yes." Maikling tugon ko.

Ngumiti siya habang kinuha ang singsing sa loob ng box at sinuot ito sa akin.

Pagkatayo niya, niyakap niya ako nang mahigpit.

"I love you, my sky," he whispered, kissing my forehead.

We let go of the hug and we received so many congratulations.

It's a double celebration, indeed.

Nagulat ako nang lumapit ang mga magulang naming dalawa. He did well planning on this one.

"Congratulations to the both of you." Sabay-sabay nilang sabi at niyakap kaming dalawa.

Napakapit ako sa braso ni Asher nang may pumutok na mga fireworks.

Napatingin naman ako roon habang pumunta si Asher sa aking likuran para yakapin ako.

He whispered, "I want to be the best for you, Claire. I love you."

I kissed his cheeks, "I'm blessed to have you, my fiancée."

As we grow separately, we also grow together, and it's truly a privilege.

Being with him is the easiest choice I have ever made, and now...we are almost there. 

----------
❤️

The Eye of the VarsityWhere stories live. Discover now