CHAPTER 37

136 27 10
                                    

Asher calling...

Inis akong bumangon dahil sa tunog ng aking cellphone.

"It's too early!" Singhal ko sa kaniya nang sagutin ko ang tawag.

He sighed, "Ouch, wala man lang good morning?"

I rolled my eyes, "Wala."

Lumabas ako sa aking kwarto dahil may biglang pumasok sa aking unit.

Ang aga niya namang dumalaw sa akin.

Kumunot ang aking noo, "Ba't ka nandito? It's Sunday."

"Masama bang bisitahin ang aking asawa?" he chuckled, looking at me. "By the way, you look cute in your outfit."

"Hindi ka nagsabi na pupunta ka rito...sana nakapag ayos ako," I pouted.

He nodded, "You should be dressed up, may pupuntahan tayo."

"Saan na naman 'yan?" I asked out of my curiosity.

"It's for me to know and for you to find out. Sunday is a surprise day. Maghihintay ako kahit mga dalawang oras dahil alam kong matagal kang mag ayos," he teased.

Binato ko siya ng unan na nakalagay sa couch at tinamaan siya sa kaniyang mukha.

Ngumiwi siya, "Aray naman, joke lang...sorry na."

Nang matapos na akong mag ayos, napalingon naman siya sa akin at biglang tumayo.

Tiningnan niya ako mula sa aking paa hanggang ulo.

He blinked his eyes several times, "Wow, you look extremely gorgeous in that dress."

I'm wearing a fuchsia V-neck Diana dress partnered with white t-strap heels.

"We're here, baby."

Napalingon agad ako sa labas ng bintana.

Hindi ko namalayang binuksan na niya pala ang pinto sa side ko. 

Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at hinawakan niya ang aking kamay habang naglalakad kami patungo sa bagong gawang bahay.

Napalingon ako sa kaniya, "Asher..."

"Nang makarating sa akin ang balita na umalis ka papuntang London, paulit ulit akong pumunta sa bahay niyo baka sakaling bumalik ka. Kuya Caius told me things that you wished when you return here in the Philippines. You want to be settled, right?" Lumingon siya sa akin. "Napaisip nga ako noon kung itutuloy ko pa ba 'tong plano dahil walang kasiguraduhan kong babalik ka pa ba sa akin."

Naiiyak ako sa aking mga naririnig.

Nagawa niya pa lang bumalik sa bahay nang wala ako?

May kinuha siya sa kaniyang bulsa at tinapat iyon sa akin.

Napatingin ako roon at bumalik ang titig ko sa kaniyang mga mata.

Don't tell me, he planned all of these?

"I think it's time, Claire. This house is finished when you're finally home," he breath first before speaking up again, looking at me. "Home in my eyes, arms, heart, and my soul."

Tears shone in my eyes, slowly rushing down in my cheeks.

Talagang pinaghandaan niya ang aking pagbabalik.

The Eye of the VarsityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon