CHAPTER 34

169 36 42
                                    

Makalipas ang dalawang linggo, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na nakausap ko siya nang maayos.

Hinding hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari bagama't nagpapasalamat ako sa kaniya dahil binigyan niya ako nang pagkakataon para magpaliwanag at makinig sa kaniyang pinagdaanan.

Sabihin niyong madali lang ang aking naging desisyon, pero sa katotohanan, mabigat itong dalhin hanggang ngayon.

Habang nagaayos ako ng mga papers sa lobby, someone hugged me from behind.

"Good morning, Claire," he hugged me behind.

I chuckled, "Good morning. Ang aga mo naman ngayon."

"Susunduin sana kita sa condo mo kanina pero sabi nila umalis ka na raw kaya dumiretso na ako rito," he pouted, letting go of the hug.

May tumikhim naman sa aming gilid at alam kong siya iyon.

He grinned, looking at the both of us, "Hindi ko alam na hanggang dito sa trabaho ang pagiging clingy mo, Mr. Garcia."

Nakatayo lang siya habang ang kamay niya ay nakasuksok sa kaniyang bulsa.

He looked at him, "Mr. Gonzales, I just missed my girl."

Asher laughed and I looked at him with my eyebrows that snapped together.

"Your...girl?" he asked, smirking. "Sinagot ka na ba ni Claire?"

He smiled, glancing at me, "Malapit na."

Their actions and words made me nervous.

"Ang aga-aga...bahala nga kayo," I rolled my eyes, walking out in front of the both of them.

Nang makapasok na ako sa aking opisina, nilagay ko ang aking bag sa mesa at kinuha ko kaagad ang mga dapat na tatapusin na mga papel at tiningnan ang mga ito.

I removed my white coat and hang it on my chair.

Umayos na ako nang pagkaupo at sinimulan ko na ang kailangang tapusin ngayong araw.

Habang abala ako katitingin ng mga emails sa laptop, hindi ko namalayang may pumasok pala rito sa loob.

"Busy?"

Napatingin naman ako kung sino ang nasa harap ko ngayon.

It's him, again.

Binalik ko na lang ang atensyon sa aking ginagawa.

I want to ignore his presence, even just once.

"Why are you here, Mr. Gonzales? May pipirmahan ba ako?" Tanong ko habang nakatuon pa rin ang aking atensiyon sa laptop.

He sighed, "You're too formal when it comes to me, Claire."

"We're on work, Asher." Pagdepensa ko.

"Pero kapag sa lalaking iyon, pwede?" he complained.

Hindi ako sumagot at tinuloy ko na lang ang aking ginagawa para hindi ko siya mapansin.

Maya-maya ay tumayo siya at inagaw sa akin ang laptop. Inilagay niya ito sa kabilang mesa.

"Will you stop ignoring me, Claire?" his jaw tightened.

Nag angat naman ako ng tingin sa kaniya.

Tumayo ako, "Asher...nagtatrabaho ako rito."

The Eye of the VarsityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon