CHAPTER 25

189 67 1
                                    

Kinabukasan, matamlay akong pumasok. I'm so disappointed.

"Good morning, Ms. Lim," I greeted her as I entered the office.

Napatingin siya sa akin, "Good morning, Claire. May sakit ka ba?"

I looked at her, "Wala naman po."

"I thought you're sick, ang tamlay mo ngayon. May nangyari ba?" she asked, curiously.

"Wala rin po," I lied.

Tumango naman siya at nagsimula na akong mag ayos ng mga papel.

Minsan ayoko nalang magsalita sa mga problema ko sa buhay dahil baka makaapekto pa ito sa mga ginagawa o gagawin ko.

Habang patuloy pa rin akong nagtitingin ng mga manuscripts, may biglang kumatok sa pinto ng opisina.

Binuksan naman ito ni Ms. Lim, "Yes?"

"Delivery po for Ms. Perez," sabi ng lalaking nasa labas.

Napatingin ako bigla sa pinto at binitawan ko muna 'yung hawak kong manuscript.

She looked at me, "Claire, para sa 'yo raw."

Tumayo ako at pinuntahan ito.

Napatingin ako sa dala niya, isang bouquet of sunflowers.

"Hello po, kanino galing 'tong padala?" Tanong ko sa kaniya.

Kinuha ko naman ito at tiningnan ang bulaklak.

Inabot niya sa akin ang isang papel, "Hindi po niya pinapasabi. Palagay na lang po ng pirma niyo sa received."

"Salamat po." Nakangiti kong sabi sa kaniya at sinarado ko na ang pinto.

Napangiti ako habang inaamoy ang bulaklak.

"Suitor?" asked Ms. Lim.

Umiling ako, "Hindi ko po alam kung sino ang nagpadala."

Huminga siya nang malalim, "Love is powerful, Claire. It's hard to express in everything but when you feel it, you can't escape that feeling. Mag iingat ka lang dahil maraming tao na ang nadurog na puso dahil sa sobrang pagmamahal. Choose to save yourself."

I just smiled while putting the flower on the other table then went back to my seat and resumed reading the other manuscripts.

"Let's snack first, Claire," she said, inviting me to eat with her.

I nodded, "Sure, thank you po."

Kumuha ako ng isang slice ng pizza at nilagay 'yun sa isang platito.

"About do'n sa nagpadala sa 'yo, may clue ka ba kung sino?" she asked, wiping her hands with a tissue.

I rested my hands on the table, "I don't have any idea po pero isang tao lang naman 'yung nakaaalam ng paborito kong bulaklak."

"Can you tell me who's that person?" Napatingin siya sa akin, hoping to get an answer.

My heart beats faster. I can't. I'm still moving on.

I sighed, "I'm sorry I can't say po due to complicated situations."

Tumango siya, "It's okay, privacy mo naman 'yan."

Nang matapos na akong kumain, I shifted my attention to my work.

Habang nag aayos ako ng mga papel, napapaisip ako nang malalim.

The Eye of the VarsityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon