CHAPTER 20

8 1 0
                                    

"Hindi ko nga hawak!"

Inis kong binawi kay Tristan ang kamay ko, halos parehas na kaming nagpipigil ng galit dahil nasa kalsada pa kami.

"Kahit saglit hindi mo man lang ba ma-check ha?!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses niya.


"Alam niyo," napalingon kami sa tatlong nasa likod namin bigla, "mula gate rinig namin sigawan niyo."

Hindi pinansin ni Tristan si Eka, tumingin lang siya sa 'kin. "Mag usap nalang tayo kapag malamig na ulo natin." Kahit irita ay nagawa niya pa ring humalik sa noo ko. Tumango lang siya sa tatlo na ngayon ay parang nanonood ng sine.

"Girl ano na, pang ilang away na 'yan at pang ilang break up nanaman ang aabangan namin?" Tanong ni Aika sa 'kin, nag kibit balikat nalang ako.

"Ano nanaman ba pinag talunan niyo?" Tanong ni Sab.


"Hindi ko nasagot mga tawag niya," sumimangot ako sakanila, "kasalanan ko ba, e busy nga tayo mag meeting para sa booth natin sa college week!"


"Kuma-count down ang break up 'te ah, dinaig mo 'ko," sabad naman ni Eka, "ang pagkakaiba lang, ikaw nakikipag break ng paulit ulit sa isang tao. Ako sa iba iba," sabay tawa nito, "pero changed woman na 'ko! Loyal na 'ko kay Lucas."

Akala namin mag rereact agad si Sab dahil 'yun ang ginagawa niya lagi nitong nagdaang araw, pero nakita namin siyang tulala lang sa kawalan.

"Sab? Ayos ka lang?" Napakurap sa 'kin si Sab sa tanong ko sakaniya.


"Oo naman," ngumiti siya saka tumingin kay Eka, "loyal ka kay Kuya, e hindi pa nga kayo. Mga torpe." Banat niya kaagad.

Umarteng nasaktan naman si Eka, "hindi naman masakit ha!"

"Oh? Bakit nakasimangot ang anak ko?" Napaangat ang tingin ko kay Mommy na kadarating lang mula sa trabaho niya.


"Nag away lang po kami ni Tristan," sagot ko habang kinukuha ko ang gamit niya para tulungan siya.


"Nanaman? Pang ilan na 'yan 'nak ah," natatawa nitong sambit.


Hindi ko na rin mabilang pang ilang beses na namin 'tong pag aaway, minsan pa ay pababaw ng pababaw ang pinag aawayan namin. Simpleng hindi makapag text bago matulog nagiging malaking issue sa 'min, ultimong nakaka grupo namin sa mga project nagagawan namin ng issue. Aminado naman akong selosa rin talaga ako, pero pakiramdam ko rin ay nasosobrahan na kami sa away at break up. Kapag napatatagal talaga namin ang away ay nauuwi sa hiwalayan 'yon.

2 months ang pinaka matagal naming pag hihiwalay, at ang rason ay nakita ko siyang kasama niya ang kaklase niyang babae na namimili sa lingerie. Masyado akong naging mapanghusga, kaya ayun, ang totoo pala ay bumibili siya sa sarili niya para ipakita sa jowa niya. Naloka naman ako roon.

"Ayusin niyo 'yan, hindi ba kayo nag sasawa sa kaka away bati? On and off?" Pagpapatuloy pa ni Mommy.

Napabuntong hininga nalang ako, masyado ata akong nag focus sa kakaisip na kahit mag away o maghiwalay kami, laging saglit lang. Hindi ko na ata maisip na hindi na healthy para sa 'min 'to.

Pero everytime naman na matatagalan ang paghihiwalay namin, para kaming magnet na pilit naglalapit ulit. Ganoon na ba kami karupok?

Ilang araw ang nagdaan na hindi kami nagpapansinan, minsan ay nagkakasabay kaming lumalabas ng bahay pero saglit lang kami nagkakatinginan ay parang hindi na namin ulit kilala ang isa't isa. Ayos lang naman sa akin dahil sobrang na busy kami ngayon sa pag aayos ng booth namin, nagkagulo pa kasi kami sa desisyon dahil wala si Sab noong nakaraang mga meeting dahil nagpahinga muna siya.

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now