CHAPTER 11

9 1 0
                                    

"Cheers!"

Pinag untog namin ang nga baso namin, narito kami ngayon sa bahay at nag cecelebrate sa pagka panalo namin sa korte. Maging si atty ay narito rin, at nakikipag asaran kay Sabrina. Habang kumakanta naman sila Aika at Eka, si Tristan ay nakamasid lang sa ginagawa namin, tinutulungan ko kasi si Mommy sa pag-aayos ng mga pagkain.

"Anak, nasaan ang Mama mo?"

"Nasa trabaho pa po my! Susunod nalang daw po siya," sagot ni Tristan kay Mommy habang nilalantakan ang barbecue.

Tinampal ko ang kamay niyang kukuha nanaman sana ng barbecue, "ano ubos biyaya? Mag ihaw ka roon!"

Hindi makapaniwalang tinignan niya ang kamay niya sabay tumingin sa akin, "grabe ka na ah! This is a treason! Bakit mo ako hinampas?! Saka bakit ako mag-iihaw!?"

"Kain ka ng kain diyan, mag luto ka rin kaya." Binatukan ko pa siya, bago ko pa mailayo ang kamay ko ay nahawakan niya na ito.

"Are you finally okay?" He softly asked still holding my hand and gently rubbing it.

"Nightmares still hunts me on my sleep," there's no point on lying, "but I'll survive."

"I'm just here, 'kay?" Sasagot na sana ako nang biglang lumapit 'yung tatlo sa amin para manggulo.

"Daming langgam!" Nag spray pa si Eka ng cologne? Siraulong 'to, cologne niya ang ini-spray kunwari sa grass.

"Hoy! Pabango ko 'yan!" Inagaw ni Aika ang pabango niya na ginamit ni Eka.

"Ay sorry, sa 'yo pala 'yan akala ko sa akin," Eka sheepishly smiled.

"Sapakin kaya kita! Color coding kaya ang cologne natin pa'nong aakalain mong sa 'yo!" Hindi ma-kalma kalma si Aika.

"Aiks say ah," ani Sab.

"Ah?" Bigla siyang sinubuan ni Sab ng barbecue. Natawa tuloy kami ni Tristan.

"Nice one ateng! High five!" Hindi pinansin ni Sab ang best friend niyang nakataas lang ang kamay. Kumuha siya ulit ng isa pang barbecue saka nilagay sa kamay ni Eka na nakataas pa rin sa ere.

"Ikain niyo 'yan, ang iingay niyo," sabay irap niya sa dalawa na nakanguso na ngayon.

Umakbay si Adriel kay Sab, "nang aaway ka nanaman, bawas bawas naman ang pagiging masungit na mabait."

Agad siyang siniko ni Sab, "gusto mo ikaw awayin ko ha? Tambay na 'to," walang buhay na sabi ni Sab.

"Teka nga, ako kanina pa nangangati e," pag singit ni Aika.

"Kamutin ko?" Sabay naming tanong ni Eka, nagkatinginan pa kami sabay tawa.

Hindi kami pinansin ni Aika at bumaling kay Sab at Adriel, "ano bang mayroon sa inyong dalawa ha?"

"Wala."

"Bebe ko siya."

Sabay na sagot nilang dalawa, nakatanggap nanaman ng sabunot at sapak si Adriel dahil sa sinabi niya.

"Ano talaga?" Tanong naman ni Eka.

Sasagot nanaman sana si Adriel pero tinakpan na ni Sab ang bibig niya, bago pa kami makapag tanong ulit ay narinig na namin si Mommy.

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now