CHAPTER 3

7 1 0
                                    

"Huy!"

"Ay pu-!" Sinamaan ko ng tingin si Tristan, nakatingala ako sakaniya dahil nakaupo ako ngayon sa swing habang nasa likod ko naman siya.


"Ang lalim ng iniisip mo riyan, hindi mo man lang ako napansin." Nag tatampong sabi nito.


"Shunga mo," tinabig ko ang mukha niya gamit ang palad ko, saktong sakto pa sa mukha niya.


Inalis niya ang kamay ko sa mukha niya at natatawang umupo sa tabi ko, hindi pa rin ako binibitawan.


"Bakit hindi ka pa umuuwi? Nakita ko na sila Sab na papasok sa village ah." Tanong nito habang nilalaro ang bracelet na kaparehas sa suot niya.


"Wala pa si Mommy sa bahay e," sagot ko. Nakatingin lang sa mga batang nag lalaro ng taya tayaan.


"Halika na, sasamahan kita." Tumayo siya sa harap ko at pilit akong pinatatayo, pero nag pabigat ako.


"Ayoko pa," hindi naman niya ako pinilit, bumalik siya ulit sa pag upo sa tabi ko.


"Alam mo, isang taon na tayong mag kaibigan hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw na ayaw mong mag-isa sa bahay niyo,"


Hindi ako makatingin sakaniya, parang bumubukas ulit ang baul sa kaloob looban ko na ayoko na buksan. Para akong kinakapos ng hininga, kailangan ko pa muna pakalmahin ang sarili ko.


"A-ayoko lang talaga," nahihirapan kong sabi.


Nakita kong napatingin siya sa 'kin, "ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong sabi.

Tumango ako, "oo naman, ayos lang ako."

Hindi siya nag salita pero alam kong napapaisip na siya, at wala akong balak na sabihin sakaniya, kahit sila Eka walang alam. Tanging kami lang ni Mommy ang may alam.


"Anak! Sorry, may meeting si Mommy kaya hindi ako nakauwi agad," napabaling si Mommy kay Tristan. "Salamat sa pagsama kay Hailee 'nak ha, ako na muna bahala sakaniya."


Tumango naman si Tristan, binitawan niya na ang kamay ko bago lumapit pa sa 'kin at humalik sa ulo ko. Sanay na si Mommy na ganiyan ang ginagawa niya kaya wala na kay Mommy 'yon.

"Sabay tayo pasok bukas," ngumiti siya at nag paalam na. Naka titig lang ako sa likod niya habang palayo siya ng palayo.

"Halika na? May appointment ka ngayon," malungkot akong nginitian ni Mommy. Tumango na ako at sumunod sakaniya, habang nasa byahe kami hindi ko mapigilan mapaisip. Maiintindihan kaya nila ako kapag sinabi ko sakanila ang totoo? Anong reaksiyon kaya ang makukuha ko mula sakanila? Ito ang dahilan bakit hindi ko masabi sakanila, natatakot akong mahusgahan.


"Hello Hailee, kumusta?" Tanong ni Doc. Heather.

"May kaunting progress na po," sagot ko na hindi tumitingin sakaniya.


"Takot ka pa rin ba mag-isa? Nakapikit ka pa rin ba kapag bumababa sa hagdanan?" Malumanay nitong tanong, pero kabaliktaran ang naririnig ko. Marahas na paraan ng pagsasalita ang naririnig ko, nag sisimula nanaman akong mahirapan sa pag hinga.


"Calm down, it's okay. Breathe Hailee, breathe." She said while caressing my wrist. It made me calm as usual. "You have to come back tomorrow after class okay?"

Hindi ganoon katagal ang session ko ngayon, kinausap lang ni Doc si Mommy, nakikita ko ang malungkot na mukha niya mula rito sa labas. Gustong gusto ko na mawala 'yon, gusto ko na maka ahon sa pinaka ilalim na narating ng buhay ko. Gusto ko na makalaya sa nakaraan na pilit akong hinihila pailalim. Pero paano?


Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now