CHAPTER 14

13 1 0
                                    

"Baklaaaa!!"

"Malayo ba kami ha? Bakit kung maka sigaw ka akala mong nasa kabilang room kami." Hindi ko pinansin ang pagiging grumpy ni Sab, deretso lang ako umupo sa katapat ni Eka.


"Hindi ko gusto 'yang ngiti mo ah." Sambit niya na parang kabado pa siya sa pag ngiti ko. Ang sweet ko kaya ngumiti.

"May rereto 'ko sayo." Pinakita ko sakaniya ang picture ng isa kong common friend, nakita ko kaagad ang pag aalangan sa mukha niya kaya dinugtungan ko na agad ang sasabihin ko. "Hindi 'yan fuck boy."


Pumayag naman agad siyang makipag kita kay Jeremy. Kaya ngayon kami ang gagala gala sa ATC. Naghahanap kami ng mga highlighters at pen nang tumawag sa 'kin si Tristan.

"Hello?"

[Sa'n ka miss? Wala ka sa bahay niyo.]

"Nasa alabang kami nila Aika, late ka nanaman gumising e!"

Malapit na mananghalian kagigising lang ng loko, halatang halata pa dahil 'yung boses niya talaga namang kagigising lang.

[Pauwi na ba kayo?]

"Hindi pa naman bakit?"

[Hintayin mo 'ko, paiwan ka kapag uuwi na sila.]

"Okay?" Binaba na niya ang tawag, baka maliligo na rin.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Sab. Good mood siya ngayon kasi nakabili nanaman siya ng mga collection niya. Parehas kami na mahilig sa pens at highlighters pero kasayahan talaga ni Sab 'yan.

"Bulgogi Brothers!" Suggest ko kaagad. Nag crave ako bigla, ilang linggo na akong hindi nakaka kain doon.

"Saan ba rito 'yon?" Tanong ni Sab.

"Alam ko sa kabila lang 'yun e," naglakad nako para hanapin ang Bulgogi Brothers.

15 minutes na kaming nag lalakad lakad para hanapin ang Bulgogi Brothers. Sumasama na ang timpla nitong dalawa, hindi ko na kasi maalala saan ba 'yun, kung saan saan na kami naglalakad. Nang hindi na makatiis si Sab, nagtanong na siya sa guard. Kaya ngayon siya na ang sinusundan namin, mukha namang hindi siya galit.

Wala pang 5 minutes nakarating na kami sa Bulgogi Brothers. Ngumiti lang ako ng alanganin sakanila, nailing lang si Sab samantalang si Aika naman ay naupo na agad.

"Wews. Akala ko magagalit," bulong ko sa sarili ko. Saktong dumating ang pagkain namin nang dumating din si Eka.


"Anyare bakla? Ano? Kayo na?" Bungad ko sakaniya pag pasok niya sa Bulgogi Brothers.


"Gaga, first date palang anong kami agad?" Napansin niyang hindi kami pinapansin nila Aika at Sab. "Anong nangyari sa dalawang 'yan? Bakit parang ilang buwan hindi kumain?"

Tinawanan niya lang ang explanation ko bakit mukhang isang buwan hindi kumain 'yung dalawa. Nakipag share rin si Eka ng pagkain sa 'kin dahil nahihiya pa raw siya kanina.

"Sunduin ka ni Tristan?" Tanong ni Sab pagkatapos namin kumain.

Tumango ako, "puntahan niya raw ako, paiwan daw ako pag uuwi na kayo."

"Taray naman, level up. May date na matapos mag aminan," panunudyo ni Aika.

"Hailee lang 'yan, nakaalis na sa fried zone." Dagdag pa ni Eka.

Inirapan ko lang sila, nagpaalam na rin silang uuna na sila. Mag movie marathon daw sa bahay nila Sab, hahabol nalang ako dahil doon din naman kami matutulog lahat.

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now