CHAPTER 27

10 1 0
                                    

"So you mean to say, 'yung sinabi mong gusto mo, talagang pinatayo niya?"


Narito kami ngayon sa backyard nila Aika, rito kami tumambay dahil linggo ngayon. Si Mommy muna ang nasa boutique, at ngayon ay kinukuwento ko sakanila ang nangyari 6 months ago. Sa sobrang busy ay hindi na kami nakapag kuwentuhan, as in full pack ang pagiging busy namin.

Ngayon lang naging maluwag ang boutique ko, last months was a blast. Talagang hindi nauubusan ng kliyente. Ngayon ay mayroon pa rin, pero natapos na namin ang orders ng karamihan. Ang marami ngayon ay walk ins lang.


"Ayun pala ang pinag kakaabalahan niya, kaya pala tinatanong niya si Kuya kung paano ba ang kalakaran doon, gusto pala makapag patayo ng bahay," sabi ni Sab habang kumakain ng maanghang na sugo.

"Bakla, waging wagi ah. Akalain mo hindi niya nakalimutan 'yon? At talagang nakapag patayo pa!"

"Mukhang mas excited ka, feeling ikaw ginawan?" Pang gagago ni Aika kay Eka.

"Ayan! Kaya ka hindi pinaninindigan e!" Balik naman ni Eka.


"Tanga kasi siya! Nagpapaniwala ambobo," banas na sagot pa ni Aika.


Tumango tango naman si Sab, "true, tanga siya. Pagsisisihan niya rin 'yan pagdating ng araw."

"Lord guide him." Sabay na dasal nitong dalawa, kahit ako ay tahimik na napadasal. May sa demonyo ang bibig nitong si Sabrina, e. Kapag may sinabi 'yang ganiyan, most likely nagkakatotoo.


"Balita ko lumalago na rin ang firm nila Tito rito sa Pinas ah?" Pag kukuwento nitong si Eka.

"Oo nga, kilala na rin pangalan nila sa Architecture field dito," dagdag pa ni Sab.


"Invited kayo sa party nila? May pa party sa company nila ah?" Tanong sa 'kin ni Eka.

Nagkibit balikat ako, "hindi ko alam e. Wala naman nababanggit si Mommy o kahit si Tristan walang sinasabi."

He's been courting me again, everyday talagang walang palya siyang pumupunta sa boutique at dinadalhan ako ng kung ano ano kahit na busy rin siya sa firm nila, ngayon bahala siya maabutan si Mommy roon.


Alam ko rin ang balitang 'yon, matagal na nasa Italy ang Daddy ni Tristan dahil doon ang main branch ng kumpanya nila. Months after kong pumunta sa New York, bumalik naman si Tito rito para ipatayo ang unang firm nila rito sa Pinas. 3 months ago nagsimulang mag ingay ng pangalan nila rito, kilala naman na sila noon pa kaya hindi na ako nagtaka roon.

"Ay!" Biglang sigaw ni Eka na ikinagulat namin, "ano na balita roon kay Aaron? Ilang buwan na nakakalipas ah?"

"Oo nga, nagpakita lang sa 'yo tapos naglaho na ulit? Ano 'yun? At isa pa paanong nakalabas 'yon sa kulungan? Nasa 10 years na ba? Tumigil ba oras natin? Paano?" Sunod sunod na tanong ni Aika.

"Base sa mga bubuyog, nakapag bail daw. May tumulong, hindi ko alam sino," sagot sa 'min ni Sab habang nagbabasa pa rin.


"Maging maingat nalang kayo ng husto ni Tita, Hails. Hindi pa rin natin alam ano motibo niya noong nagpakita siya sa 'yo," paalala ni Aika.


"Hi Hailee," napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Bumili ako ng tinapay sa labas ng village, kaliliko ko lang sa 'min nang tawagin ako ni Attorney.

"Attorney," ngumiti ako sakaniya at inabot ang kamay ko.

Inapiran niya lang 'yon imbis na kamayan ako, "Adriel nalang, ang pormal mo naman. Ganiyan na ba kapag dalawang taon sa New York?"

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now