CHAPTER 13

12 1 0
                                    

"Ano bang sinasabi mo?!"

Lahat kami nagulat sa pag sigaw ni Tristan kay Chelsea, mabuti nalang at hindi ganoon karami ang tao ngayon sa labas ng gate dahil maaga pa. May isang oras pa bago mag labasan ang lower year.

"Puwede ba, kung wala kang magawa 'wag kang nag iimbento ng kung ano ano. Hindi ka na nakakatuwa." Galit na dagdag pa nito, "pati sa school pinagkakalat mong tayo? Nasisiraan ka na ba ha?" Walang awa niyang sabi.

Kitang kita namin ang pagka ilang ni Chelsea, halatang nahihiya sa 'min sa pakikitungo ni Tristan sakaniya. Naramdaman ko ang pagsiko ni Aika sa 'kin, pinapahiwatig na awatin ko na si Tristan bago pa mas malala ang masabi nito.

"Tristan," tawag ko sakaniya, mabilis naman siyang lumingon sa akin, umamo bigla ang mukha.

"Sorry, I shouldn't have treated you that way. Ayaw ko lang na nagsisinungaling ka lalo na sa harap pa nila Hailee," sincere niyang sabi kay Chelsea.

Halatang nabigla si Chelsea sa sinabi ni Tristan, nakita ko pa ang pagka mangha sa mukha niya. Hindi ata niya akalain na ganoon ang sasabihin ni Tristan sakaniya.

"I-It's okay, I ahm, sorry rin," nahihiya niyang sabi at hindi pa makatingin sa 'min bago siya tuluyang umalis.

Nahanap agad ng kamay ko ang buhok ni Tristan, "talaga ka naman! Babae 'yon, ba't mo sinigawan?"

"A-aray! Aray Hails!" Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko sa buhok niya pero hindi naman sinusubukan talaga dahil marahan ang hawak niya sa kamay ko. "Sorry na nga, nabigla lang ako, baka rin kasi maniwala ka."

"Okay," simpleng sagot ko. Wala naman kailangan sabihin e, kaya ayos na 'yon.

"May jacket ka? Lamig 'te." Biglang sambit ni Eka.

"Kaninong ref 'yung naiwang nakabukas? Pakisara po! 'yung lamig sayang!" Luminga linga pa si Aika.

"Pakihinaan naman nung aircon, ang ginaw," dagdag pa ni Sabrina.

Mga gago talaga, halata tuloy sa mukha ni Tristan ang kaba. Natatawa tuloy ako, hindi kasi sanay 'yan na malamig ang pakikitungo ko. Ganoon kami kapag magka away na kami e.

"Galit ka?" Maingat niyang tanong sa 'kin.

Umiling naman ako agad, "no, ba't naman ako magagalit sa 'yo? Praning ka nanaman."

"Baka naman gusto niyo na gumora ano? Kaya nga tayo maaga para makakain pa tayo," pagputol ni Aika sa sasabihin pa ni Tristan.

Bago pa magwala ang tatlong tigre na 'yon ay sumunod na kami. Panay lang kami kaharutan at kalokohan habang naglalakad kami papunta sa hepa street. Tatlong kanto mula sa school namin 'to. Isang buong street 'to na puro street foods at iba pang restaurant o 'di kaya karendirya.

"Saan tayo?" Tanong ni Sab habang naglalakad patalikod, nakaharap sa 'min ni Tristan dahil kami ang nasa likod.

"Kay Nanay Aurora nalang?" Suggest ko.

Agad naman lumingon si Eka, "loyal customer tayo ni Nanay kaso gusto ko naman kumain ng iba."

"E saan nga? Kanina pa kita tinatanong ah." Nagmamaktol na sabi ni Sab.

"Hindi ko pa— hoy Aika! Nalingat lang kami nagkukumain ka na!" Sigaw ni Eka habang tumatawid kung nasaan si Aika. Napalingon din tuloy kaming tatlo, ayun si Aika kumakain ng pritong isaw.


Sumenyas si Tristan ng 'wait' sa sasakyang dadaan habang ginigiya kami ni Sab pag tawid. Kahit nagrereklamo kanina ay nakikikain na rin si Eka ngayon.

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now