CHAPTER 9

10 1 0
                                    

"Late ka nanaman ata ah."


"Kuya guard! Alam niyo naman po, perfect attendance ko na 'yang log book niyo. Baka gusto niyo na dagdagan ko 'yung space ng iba pang late na susulat?" Sinusubukan kong utuin si Kuya guard na huwag na akong pasulatin sa log book ng mga late. Wala akong ka-mintis mintis sa bawat page nito e, araw-araw talaga naroon ang pangalan ko.


"Anong dagdagan, bagong notebook 'yan, hala sige sulat," inabutan niya pa ako ng ballpen. Wala talaga akong takas dito e.


Kaunti nalang nasa Dean's office nanaman ako, "tapos na kuya," binalik ko na sakaniya ang ballpen, sumaludo pa ako bago ako nanakbo papunta sa room. Sigurado ako bubungangaan ako ni Sab.


"Pumasok ka pa girl," sabi na nga ba.


"Ay wala na ba pasok?" Maang-maangan kong sabi bago tumabi kay Aika, naka pabilog ang mga upuan namin.


"Bakla ka, tatlo na nga lang subject ngayon pumasok ka last subject na." Panenermon ni Aika.


"Bakla cancelled na, nomi nalang tayo." Pag-aaya ni Eka. Nakatanggap tuloy ng batok kay Sab.


"Ang aga pa para isipin mo ang alak, isipin mo muna 'yang jowa mong basagulero," napasimangot agad si Eka sa sinabi ni Sab sakaniya.

Tumawa kami ni Aika sa pangaral ni Sab kay Eka, agad naman kaming napaulanan ng hampas nito.

"Aray!" Daing ko nang mahampas niya ako sa braso.

"Ay sorry girl!" Paghingi ng sorry ni Eka, saka nagpatuloy sila ni Aika sa pag hahampasan.

Napatingin ako kay Sab na tinititigan akong mabuti, nagiwas ako kaagad ng tingin dahil sa paninitig niya ay feeling ko nakita niya ang kaloob looban ko.

"Patingin," simpleng sabi nito pero natakot kaagad ako. Lalayo na sana ako pero hinigit kiya ang kamay ko bago inangat ang sleeves ko. Nakuha niya ang atensyon nila Aika, suminghap pa 'yung dalawa habang matiim akong tinitignan ni Sab.

"Bakla, anong nangyari riyan? Bakit ka may ganiyan? Sino may gawa niyan?" Sunod sunod na tanong ni Eka.

"Nauntog lang ako sa kanto ng hagdan," palusot ko habang binababa ang sleeve ko.

"Bakla ka, ang railings niyo hanggang baywang lang, paanong mauuntog ka roon?" Puna ni Aika.

"Alam ba 'to ni Tristan?" Tanong ni Sab.

Nakayuko akong umiling, ayoko na siyang mag-alala pa sa 'kin, busy na 'yon sa plates niya. Nag rereklamo na nga sa akin na kasisimula niya lang ay parang gusto na niya tapusin.

"Isang tanong isang sagot," panimula ni Sab, "siya ba may gawa niyan?"

Sasagot na sana ako nang sumabad si Eka na kakamot kamot pa sa ulo niya, "sinong siya ateng?"

Napasapo naman si Aika sa sinabi ni Eka, "kahit kailan talaga girl, loading lagi ang utak natin ah."

"Ang sama ah! 'Di ko lang naman na gets agad," nakanguso pa siya habang sinasabi 'to.

"Sino ba jowa ni Hailee ha?" Tanong ni Aika sakaniya.

"Si Aaron?"

"Oh, ayun pala, gets mo na?"

Ngumiwi si Erika, "hindi?"

Nabatukan nanaman siya ni Aika kaya nag babardagulan nanaman silang dalawa ngayon. Hindi pa rin nawawala ang mapanuring titig ni Sabrina sa 'kin kaya napabuntong hininga na lang ako.

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now