CHAPTER 5

4 1 0
                                    

"Hailee bilis bilis naman!"

Nag pa-panic na 'ko sa pag aayos ng gamit ko, may swimming kami nila Sab ngayon. At nasa labas na sila ng bahay, nakatulog naman kasi ako kaagad kagabi kaya hindi ko naayos ang gamit ko.

"Need help?" Mabilis akong napatingin kay Tristan na nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Please," nagpaawa pa 'ko. He chuckled and walked towards me to help me pack my things. Tumakbo na 'ko papasok sa banyo para kunin ang sabon at shampoo ko, naka pouch naman na 'yon. Natigilan ako sa pag labas ko nang makita ko ang hawak ni Tristan, 'yung bra ko!


"Tristan!" Nang aasar siyang tumingin sa 'kin at inangat ang kamay niya para ipakita sa 'kin ang bra ko.

"May ganito pala kalaking bra?" Natatawang tanong niya.

Mabilis kong hinablot 'yon sakaniya, "bastos mo!" Pakiramdam ko namumula na 'ko sa pinag sasabi nitong si Tristan.

"Ano landian nalang ang gagawin? 'Wag na mag swimming?" Nagulat ako sa pag sasalita ni Aika sa may pinto. Mabilis kong sinara ang zipper ng bag ko.

"Aray gago!" Tumalon talon si Tristan kahit na kamay naman niya 'yung naipit ko sa pag zipper ng bag ko.

"Buti nga sa 'yo," inapakan ko pa siya bago ko binuhat ang bag ko, kumapit na ako kay Aika para sabay kaming bumaba. Nakaupo lang si Mommy sa sofa nanonood ng paborito niyang morning show.

"Ingat kayo ah, 'wag masyado mahaharot doon, kilala ko kayo." Bilin ni Mommy.

"Tita naman! Kami pa po ba?" Humalik na si Aika sa pisngi ni Mommy at nauna na lumabas. Si Tristan ay pababa na rin at masama ang tingin sa 'kin.

"Ikaw na bahala riyan sa pasaway na 'yan Tristan ha," bilin ulit ni Mommy.

"Yes Mommy! Ako na po bahala!" Sumaludo pa, kahit kailan talaga feel na feel ang pag tawag kay Mommy ng 'mommy'.

"Sige na, at baka ma traffic kayo," humalik na rin ako kay Mommy at tumakbo na palabas. Nakikita ko na agad ang usok sa tainga at ilong ni Sabrina. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko siyang busy lang mag basa. Himala.


"Ang bagal girl ah," pag puna ni Eka na nakasilip sa 'min dito sa likod dahil nasa front seat siya.

"Sorry na," umusog si Aika para mag kasya kaming apat dito sa likod. "Hi Kuya Ram!"


Papunta kami ngayon sa Lake Pandin, doon namin naisipan this year para sa yearly summer outing namin. Huling hirit sa tag-init na namin 'to dahil ilang linggo nalang pasukan nanaman agad. Huling taon na namin sa high school, sa college hindi ko na makakasama si Tristan.


"Bakla smile!" Ngumiti ako kay Aika na may hawak na DSLR, nakaupo ako ngayon sa isang swing na gawa sa gulong. Ilang pose pa ang ginawa ko para sakaniya, tatayo na sana ako pero may nag patong ng braso sa ulo ko, napatingin ako kay Tristan.


"Isa pa Patpat," hinawakan niya ang mukha ko para iharap kay Aika, binalik niya ang braso niya sa ulo ko, ngumiti nalang din ako. May wacky rin at mayroon naman na naka yakap siya sa leeg ko.


"Nawa'y everything!" Bumalik na si Aika sa tabi ni Sab. Pinapanood ko lang ang ibang tao na narito na nag e-enjoy sanpag langoy sa lake.


"Gusto mo na mag swimming?" Tanong ni Tristan na nasa likod ko pa rin.


"Mamaya na, kakakain lang e." Sobrang peaceful lang dito, parang hinihigop nito lahat ng lungkot, stress, pati ata problema mo sa buhay. Makakalimutan mo nalang na may magulo kang mundo kapag narito ka. Bumalik na rin ako sa balsa namin, nag hahanda na 'yung tatlo para maligo.



Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon