CHAPTER 18

9 1 0
                                    

"Bakit hindi mo suot 'yung singsing?"

Nabigla ako sa tanong ni Tristan, narito kami ngayon sa starbucks sa bgc. Nag-aaral kami parehas dahil may quiz kami samantalang may summative exam siya, at gusto niya raw mag-aral dito para mukha naman daw yayamanin. Parang bobo.

Nilabas ko ang chain kung saan ko nilagay ang singsing, "here, hindi ako sanay mag singsing e." That wasn't a lie, alam niya na hindi talaga ako palasuot ng kung ano ano aa daliri.

Tumango siya at ngumiti ulit, gusto kong sabihin sakaniya pero natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka masaktan ko siya, at 'yun ang pinaka ayaw ko.

"Iba talaga 'pag in love, ang hirap na hagilapin."

Sabay kaming napatingin kay Sab at Aika na kalalapit lang sa table kung nasaan kami. Parehas silang may dalawang paper bag na malalaki, isang muji at isang national bookstore. Mukhang namili nanaman ng mga art supplies at stationary ang dalawa.

"Inggit kayo?" Pang aasar ni Tristan.

"Excuse me? Baka si Sab," makahulugang sabi ni Aika na agad kong pinuna.

"May jowa ka rin?"

Ngumisi lang ang bruha, lagi 'yang ganiyan! Kapag tatanungin namin o 'di kaya sinasabi namin na may jowa na siya, mananahimik na 'yan o kaya ay lilihis ng kuwento.

"Ako? Maiinggit? Bakit? Nakakain ba ang jowa?" Tuloy tuloy na tanong ni Sab.

"Puwede rin," sabay naming sagot ni Aika sabay tawa. Maging si Tristan ay iiling iling lang.

"Bastos niyo, kung narito rin si Ek—" natigilan siya nang may matanaw sa labas, "speaking of the devil."

Sinundan namin ng tingin ang tinignan ni Sab, sabay sabay pa kaming napangisi dahil huling huli namin na may ka-holding hands ang bruha. Makikipag date ka pa sa malayo ah, huli ka ngayon.

"Girl, habol habol, napag iiwanan ka na," rinig kong pang aasar ni Aika kay Sabrina.

"No need, darating nalang 'yan," sagot naman nito.

"Paupo kami ha," hindi pa kami pumapayag ay naupo na si Aika. Si Sab naman ay pumila na para bumili ng inumin.

"So, anong ganap niyong dalawa?" Tanong bigla ni Aika.

"Anong, anong ganap?" Tanong pabalik ni Tristan.

"You know," she motioned her hand na parang dapat alam na namin ang sagot, bumuntong hininga pa siya nang hindi kami sumagot, "parang wala naman kasing nagbago sainyo bukod sa label, you still both act as if best friends lang kayo which is clearly not anymore."

"Ano ba dapat? I mean, wala naman sigurong masama? Na walang nag bago sa 'min?" Sagot ko sakaniya.

"Girl, I know wala naman masama kung gusto niyo mag stay that way, pero hello? Kahit kaunting progress wala? Like, sweetness gano'n?" She even tilted her head out of confusion.

"Sweet naman kami sa isa't isa ah? Hindi niyo lang siguro nakikita?" Sagot ni Tristan sakaniya.

Nagkibit balikat si Aika sakaniya, "siguro nga."

"Huwag ka na kasi mangialam, ba't 'di mo isipin sarili mong mm—"

Naputol ang sasabihin ni Sab nang takpan ni Aika ang bibig niya. Itong dalawang 'to talaga mapag tago kahit kailan.

Ang plano naming pag rereview ay nauwi sa food trip at asaran, hindi tinigilan nina Tristan at Aika si Sab. Pinipilit nilang makipag date na, kaya ngayon tinuturuan nilang gumamit ng bumble. Mga siraulo talaga, at dahil pikang pika na si Sab, pumayag nalang siya.

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Where stories live. Discover now