CHAPTER 20

1K 30 2
                                    


Date

"Any plans for today?" Tanong ko habang nilalagay ang seatbelt ko.



"Yeah, punta daw tayo dun sa designer. Ready na daw i pick up yung mga susuotin" aniya habang nagmamaneho. A month has passed. Naging busy kami ni Chase sa mga course namin. Malapit na ang December. Ikakasal na din si kuya Chadler, kuya ni Chase.





"Sukatin mo iha, para malaman natin kung kailangan ng adjustment" sabi ng stylist kaya naman ako pumasok sa fitting room.



"Come outside, I wanna see" dinig kong sambit ni Chase sa labas.




"Ayoko nga" sambit ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.




"C'mon babe, I wanna see" aniya pa.



"Ayoko" sambit ko. Nagpalit na ako sa suot kong damit saka inayos ang susuotin ko para sa kasal.




"Saktong sakto lang po" sabi ko sa stylist kaya naman siya napangiti. Tinignan ko naman si Chase na masama ang tingin sa'kin.



"Tara na!" Aya ko kaya naman siya tumayo.



"Salamat po" sabi ko sa stylist bago lumabas.






"Susunduin kita bukas ng six" sabi niya kaya naman ako napakunot noo.



"Eh? Sasabay ako kina mama"




"Sinabi ko na kina tita na susunduin kita" aniya naman. Tumango ako saka na tumingin sa dinadaanan namin. Malapit na kasi ang kasal. Sa boracay daw, beach wedding.




"Mas mabilis tayong makakaalis kung dito ako matutulog" sambit ni Chase. Kanina pa kami nagtatalo dito dahil nagpupumilit siyang matulog sa condo.



"Ikaw tigil tigilan mo'ko Zachary ha, Nung nakaraang araw lang dito ka natulog" sabi ko naman. Halos dito na kasi siya natutulog dahil malapit nga ang tinutuluyan kong condo sa school. Sina mama ang nag suggest na dito siya tumira pero hindi ako pumayag. Baka kasi kung ano ang isipin ng iba.



"Nung isang araw pa 'yon"



"He! Umalis ka na, mag aayos pa ako ng gamit ko" sabi ko sabay hila sa kaniya.



"I'll help you!"



"Tumigil ka! Layas na!" sabi ko saka binuksan ang pintuan. Bagsak ang kanyang balikat na naglakad siya papalabas.



"Bye! Goodnight" nakangiting sabi ko.



"Goodnight" sabi niya, pagkatapos ay naglakad na paalis. Nang pumasok ako ay naligo muna ako bago inayos ang dadalhin ko. Tatlong araw kami sa boracay. Isang araw para sa wedding at dalawang araw para ma enjoy daw namin.





Nang matapos akong mag-ayos ay nagluto ako ng makakain ko. Tinuruan akong magluto ng bulalo ni Chase kaya iyon nalang ang niluto ko. Yon pa lang ang naituturo niya dahil naging busy kaming pareho.


Halos nakatulog na ako ng ala una ng umaga dahil sa binabasa kong storya. Nagising ako ng alas singko dahil sa alarm ko.





"Goodmorning!" Bati ni Chase.



"Morning" sabi ko naman. Kinuha niya ang dala kong bagahe.




"Daan tayo drive thru, hindi pa ako nakakain ng almusal" sambit ko ng mailagay ang seatbelt ko. May kinuha siya sa backseat at binigay sa 'kin.





Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon