CHAPTER 14

962 30 0
                                    


Concert

Busy lahat ng tao sa school dahil exam na, ang mga iba ay naghahanda na sa paparating na foundation.



Sa mga nakaraang araw ay wala akong nababalitaan tungkol kay Chase. Walang text o tawag, wala na ding agahan kaya maaga na akong nagigising para magluto. Hindi naman pala ako natutulog kaya maaga talaga akong nagigising.




Kakatapos lang ng exam namin, pauwi na sana ako ng mapadaan ako sa music room. Nakita kong nandoon sina Chase at ang mga kagrupo niya, siya ay focus na focus sa binabasa niya habang ang iba ay nagpractice.




Napatago ako bigla ng mapalingon sa gawi ko si Chase. Mukha akong tanga na nakaupo dito na para bang nagtatago. Napailing akong naglakad, oo naglakad ako habang nakaupo saka lang ako tumayo ng makaalis doon.



Pagkauwi ko sa condo ko ay naligo na'ko saka na bumaba at nilabas ang mga reviewer ko, last day na ng exam bukas feeling ko naman ay nasagot ko ng maayos ang iba naming pinagexam. Biology and physics, pinagsama ang dalawang mahirap na subject sa isang araw.



Inumpisahan ko ang pagrereview sa Physics, halos alas dyes na ng gabi ako natapos. Sinunod ko ang Biology, bago pa 'yon ay nag padeliver muna ako ng makakain ko. Halos hindi ko na alam anong oras ako natapos bastat dalawang oras lang tulog ko. Hindi na'ko nag agahan dahil tinatamad akong magluto kaya pumasok ako sa school na walang laman ang tyan.




Nauna ang biology namin, halos maiyak ako dahil parang mali ang mga sagot ko at halos wala akong makita sa mga pinagreviehan ko. Nang matapos ang exam namin sa biology ay break time muna, balak ko sanang pumunta sa library para mas makapagreview ngunit naramdaman ko bigla ang gutom kaya dumiretso na ako sa cafeteria at doon nalang nag review habang kumakain.




Makalipas ang ilang oras ng pagkain ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang susunod na exam namin, hindi ko kasi napansin ang oras. Sa sobrang pagmamadali ko ay may nabangga akong isang estudyante kaya nahulog ang dala kong libro sa sahig.






"Salamat" sambit ko ng iabot sa'kin ang isang makapal na librong nahulog ko.



"Pasensya ka na, nagmamadali kasi ako" sambit ko saka na tumakbo paalis. Si Chase ang nabangga ko, kahit hindi ko na tignan ay alam kong siya iyon dahil sa pabango niya.



Nang makapasok ako sa room namin ay nandon na ang magbabantay sa amin at mukhang maguumpisa na sila.




"Sorry po" sambit ko dahil nga late na'ko, tumango lang ang prof namin kaya naman dumiretyo na'ko sa upuan ko. Nang magsimula ay nasagot ko ang mga tanong ngunit ng mapunta na'ko sa mga bandang huling tanong ay hindi ko na alam ang mga sagot, nakakatanga dahil pinagaralan ko ang mga ito ngunit namemental block ako.




Halos 20 minutes nalang ang natitirang oras bago matapos ang exam ay nasagot ko naman ang mga ito, hindi ako sigurado kung tama. Bahala na si batman.




Naghihintay ako ngayon dito sa field, napag-usapan kasi namin na kumain sa labas nina Xena. Actually parang nakagawian na namin 'to, bawat pagkatapos ng nakakastress na week namin ay magsasama sama kaming kumain sa labas.




"Hoy!"  Panggugulat ni Autumn sa 'kin.



"Musta exam?" Tanong ko sa kaniya ng makaupi siya sa tabi ko.




"Nakakabobo, bobo na nga ako nabobo pa 'ko" tumatawang sambit niya. Sumunod na dumating ay si Z, pagkatapos ay si Lia at Ara.




"Tagal talaga netong si Xena kahit kailan" reklamo nitong si Autumn, maya maya ay dumating na ang hinihintay namin.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon