CHAPTER 35

779 19 0
                                    


Curiosity

"Thats it?" Tanong ni Z. Kinukwento ko sa kanila ang nangyari last week noong pumunta sa hospital sina Chase. Isang linggo na din ang lumipas at halos dalawang araw na kaming nagkikita dahil sa pag check up niya.



"What?"



"Yun na 'yon? I mean what's the problem with that?"



"Eh bobo ka pala e" sabi ni Autumn saka siya binatukan "Isipin mo nakita mo ulit yung taong galing sa past mo tapos kailangan mong umaktong kakakilala nyo lang"



"Bakit mo naman gagawin 'yon kung galing pala sya sa past mo?" Tanong ulit ni Z kaya naman ako napasapo sa ulo ko. Ano nangyari sa babaeng 'to? Palagi nalang lutang.



"Sis! Hello!" sabi ni Xena habang wina-wagayway ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ni Z "Nasa earth kapa ba?"




"Wala na nasa mundo na niya 'ko"



"Ayan! Pag ganyan ang galing mo! Tapos pag may kinukwento biglang hindi mo na alam! Tangina ka" nakangiwing sabi niya.



"Bakit ba hindi mo nalang tinanggihan?" Tanong ni Ara habang nilalapag ang pagkain namin. Nasa restaurant kasi niya kami.



"Tatanggihan ko nga dapat hindi ko lang talaga alam kung bakit ako napa oo" Napahilamos nalang ako sa mukha ko nang maalala ang pag-oo ko kay Tita Audrey.



"I smell something fishy" ani Z kaya naman ako napatingin sa kaniya.



"Ano?" Kunot noong tanong ko.



"Eto, 'yung pagkain. Anong lutong isda ba 'to?" Tanong niya kay Ara.



"Mahal mo pa?" Biglang tanong ni Xena.



"Ha? Hindi na"




"Dapat lang, ikakasal nalang siya e" sabi naman ni Autumn kaya napabuntong hininga ako. Sampong taon, sapat na rason naman na 'yon para maka move on sa kaniya diba?



Napailing nalang ako saka na din kumain sa inihanda ni Ara. Nag kwento sila ng kung ano-ano hanggang sa matapos kami sa pagkain.





"Sagot mo na 'to diba Ara?" Tanong ni Z.



"Hoy anong sagot? Magbayad kayo" sabi naman nitong si Ara.



"Hello?" Ani Z sabay tayo papalayo samin dala na ang kaniyang bag. Biglang may kausap sa telepono. Napailing nalang ako saka napapunas sa bibig ko.



"Mauna na ako, may meeting pa ako" pagpapaalam ni Xena saka na tumayo at umalis.



"Meron nga pala akong kikitaing pasyente" Sabi din nitong si Autumn.


"Ako din, sabay na ako" sabi ko. Hindi pwedeng ako ang maiwan dito 'no.



"Mauna na kami, salamat sa pagkain Chef" pagpapaalam pa ni Autumn.




"Aalis kayo ng hindi nagbabayad because?" Dinig kong sabi ni Ara bago kami tuluyang nakalayo sa kaniya. Hindi sa masama kaming kaibigan ha, mayaman naman 'yang si Ara at parang piso lang sa kaniya ang kinain namin.





Magka-hiwalay kami ni Autumn bumalik sa hospital dahil dala naming pareho ang mga kotse namin. Pagpasok ko sa Opisina ko ay nagulat ako dahil nandoon na si Chase.



"Sorry I'm late?" Hindi ko sure na sabi. Hindi naman kasi ako late, maaga lang talaga siya



"You should be"



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon