CHAPTER 12

1K 38 4
                                    


I like.....

"Ah.." what do I say? Hindi ko alam kung may posibilidad ba, ayoko din naman siyang umasa.



"Its ok, you don't need to answer" sambit niya pa saka ngumiti at nagpatuloy sa kanyang pagkain. Tumango ako saka na din nagpatuloy sa pagkain. I know that my silence hurt his feelings pero ano naman ang isasagot ko? I'm not even sure if we're friends and I don't know what I'm feeling towards him.



It was already 2 in the morning ng matapos kaming kumain. Tahimik lang si Chase hanggang sa natapos siyang kumain. It's not like naninibago ako, ganon naman kasi talaga si Chase, pero kakaiba ang pagiging tahimik niya.



"Uuwi ka na ba? Patilain mo muna 'yung ulan" sambit ko pagkatapos ay umupo sa sofa.



"Its ok, Titila din naman yan maya maya"



"Yun nga titila din yan kaya mamaya ka na umalis, Delikado magmaneho baka maaksidente ka pa" naiiling kong sabi saka uninom sa kape ko.



"Why are you even drinking coffee? You haven't even slept yet"



"Coffee is my life you know?"



"No"


"Well at least now you know" sambit ko kaya naman siya napailing.


"Do you want to watch a movie?" Tanong ko after so many minutes ng katahimikan.



"Sure" sambit niya kaya naman binuksan ko ang tv.



"What do you want to watch?" I asked.



"Anything" simpleng sagot nya. We ended up watching the hows of us. Alam kong matagal na 'to pero wala akong alam na ipapanood sa lalakeng 'to, hindi naman din kasi siya nagrereklamo at mukhang ok lang sa kaniya na ito ang panoorin namin.



Nang maramdaman ko na ang antok at papikitpikit na ang mata ko ay tumayo na'ko para sana tignan kung hindi na umuulan sa labas. Nang pagkatingin ko sa lalakeng nasa sofa ay mahimbing itong natutulog.



Umupo kasi ako sa sahig kanina, halos ganon kasi ako kapag nanonood ewan ko ba. Napatitig ako sa natutulog na si Chase. Nakasandal ang kanyang likuran sa sofa, ang kanyang ulo ay nakatingin sa baba at ang mga mata niya ay nakapikit. Bahagya akong napatitig sa kanya. Mahabang pilik mata, matangos na ilong, mamula-mulang labi, at makinis na mukha.



In short gwapo siya, gwapo pero suplado. I wonder kung anong nagustuhan niya sa 'kin, I'm totally not his type I mean madaming magaganda sa campus namin bakit ako bigla diba?



Hindi ganon ka kinis ang mukha ko, medyo maputla din ang labi ko, medyo katangusan ang ilong. I mean I accept my flaws, mahal ko sarili ko no at alam kong maganda pa din ako, pero nakakapagtaka lang talaga kung ano ang nagustuhan netong lalaking 'to sa 'kin.



Napailing nalang ako saka pumunta sa kwarto ko, kumuha ako ng unan na para sa mga bisita. Paano ko maiihiga ang katawan niya ng hindi siya nagigising?



Inilagay ko muna ang unan saka dahan dahang hinawakan ang ulo niya saka siya dahan dahang inihiga. Gumalaw siya ng bahagya, hindi ko alam kung nagising ba siya o nananaginip.



Naihiga ko siya ng hindi siya nagigising, kinumutan ko siya saka napaupo sa harap niya. Nakatingin lang ako sa kaniya na mahimbing ang tulog.



"Bakit mo nga ba ako nagustuhan?" Tanong ko na para bang gising ang kausap ko. Umiiling akong tumayo saka na pumasok sa kwarto ko at natulog.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon