CHAPTER 10

1.1K 36 9
                                    


Exception


A week had passed at gaya nga ng sabi ni Chase ay parati na siyang nandito tuwing agahan, at syempre nakakasabay ko siyang pumasok dahil don.


Ngayong araw ay may nagdeliver lang ng pagkain, hindi ito galing sa fastfood ngunit isang estudyante na hindi ko kilala. Nang tanungin ko ito kung kanino galing ay ang sabi niya lang ay pinapabigay saka na tumakbo papaalis.


Nang binuksan ko ito ay may nakita akong maliit na sulat na nagsasabing galing ito kay Chase, busy daw siya kaya pinaabot niya nalang ito.





Nung pumasok ako sa classrom ay napansin ko namang nagbubulungan ang mga alagad nitong si Stella, umiiling akong umupo sa upuan ko saka naglabas ng libro para magbasa.

Napaangat ako ng tingin ng may naaninag akong nakatayo sa harapan ko. "Do you need anything?" Tanong ko, sinubukan kong maging maayos ang pagkakasabi rito ngunit parang ang naging tono ko ay naiirita.


"Napapansin ko na madalas kayong nagkakasabay ni Chase" simpleng sabi niya habang pinaglalaruan niya ang kanyang buhok, mukhang tanga lang.

"Yun lang ba? Kung 'yun lang ay umalis kana sa harapan ko" sambit ko saka ngumiti at tumingin na ulit sa librong hawak ko "Wala akong oras para makipag-usap sa gaya mo" dagdag ko pa habang ang tingin ay nasa libro pa din.



"Huh! Akala mo kung sino ka ah! Akala mo ba maganda kana porket lagi mong kasabay si Chase?" Rinig ko pang kuda neto. I stayed silent and continued reading.



Dinaklot nya ang librong hawak ko kaya naman ako napatingin sa kaniya "Give it back" simpleng sambit ko habang nakatingin pa din sa kanya.



"Alam mo Lara, masyado ng tumataas ang tingin mo sa sarili mo porket nakikihalubilo sayo si Chase. Ingat ka baka pinaglalaruan ka lang niya" sambit ni Stella pagkatapos ay nakipagtawanan sa mga alipores niya.



Tumayo ako para mapantayan siya, inilagay ko sa likod ng kanyang tenga ang buhok na sumasagapa sa mukha niya pagkatapos ay ngumiti.

"Stella wag kang mag-alala dahil hindi pa ganon kataas ang tingin ko sa sarili ko, pangalawa kahit hindi ako pansinin ni Chase maganda ako, hindi gaya ng isang tulad mo na papansin at feeling maganda porket nalandi na ang lahat ng tao" sambit ko saka ngumiti, nakatingin lang siya sa'kin habang ang kanyang noo ay nakakunot na.



"Isa pa kapag tapos na siyang makipaglaro sa'kin sabihin ko sayo naman ha? Mukha ka namang asong mahilig makipaglaro eh" sabi ko saka pa ngumisi, kinuha ko ang libro sa kamay niya saka na bumalik sa pagkaka-upo.



Narinig ko pang padabog na umupo si Stella sa upuan niya, ilang oras lang naman ang lumipas ay pumasok na ang prof namin at nagdiscuss.




Pagkatapos ng una at dalawang klase namin ay break na, pupunta sana akong library upang ibalik ang librong hiniram ko last week. Nagulat naman ako ng paglabas ko sa room ay nakita ko si Chase na nakasandal habang nagbabasa, napaangat siya ng tingin at napaayos ng tayo ng makita ako.



"Ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit siya sa'kin.



"Diba break nyo na? Sabay tayong kumain" sabi niya kaya naman ako napatingin sa makapal na librong hawak niya.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon