CHAPTER 06

1.1K 47 41
                                    


Grocery

"Po?" Naguguluhang tanong ko.




"Ikakasal na kasi ang kuya niya, He doesn't have a date because he doesn't have a girlfriend" umiiling na sabi ni Tita audrey. Eh bakit ako yung ipapartner? Wala ba siyang kaibigan na babae?




"So....Ok  lang ba sayo?" Tanong ni Tita Audrey kaya naman ako napatingin kay Mama, ngumiti siya at tumango na parang sinasabing umoo ako.




Humindi ka nalang Lara ni hindi mo nga kaibigan ang lalaking 'yon. Humindi ka tanga!




"So?" Pag-uulit ni tita Audrey ng hindi pa din ako sumagot. Sasagot na sana ako ng biglang marinig kong bumukas ang pinto. Nakakunot ang noo habang ang isang kamay ay nakapamulsang pumasok si Chase.




"Sige po" Ay bobo! Bat ka umoo? Tanga tanga mo talaga Lara!




"Great! Ipapa-text nalang kita kay Chase kapag susukatin ka na" nakangiting sabi ni Tita Audrey kaya naman ako bahagyang tumango.




"Ah sige po, Mauuna na po ako sainyo mamimili pa po ako ng grocery" paalam ko saka dinampot ang bag kong nasa sofa.




"Ganon ba? Samahan ka na ni Chase" sambit ni Tita Audrey kaya naman ako napatingin kay Chase. Mapungay ang kaniyang mga mata habang nakakrus ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib.




"P-Po? Wag na po, baka may gagawin pa ho siya"




"I'm free, I'll help you" simpleng sagot niya saka na tumayo.




"A-Ah.. Ganon ba? Sige" awkward na sabi ko.



"Aalis na po kami" paalam ko kay Mama. Tumango lang siya saka ngumiti.




"Bye, ate" nakangising sabi ni Dash kaya ko naman siya sinamaan ng tingin.



Pagkalabas namin ay pinagbuksan ako ng pinto ni Chase bago siya sumakay sa driver seat saka na nagmaneho papunta sa Mall.




"Thank you" sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pintuan. He just nodded so I started walking. Nang nasa grocery store na kami ay kumuha siya ng push Cart at sumunod lang sa'kin.






"That's not healthy" sambit ni Chase ng maglalagay sana ako ng chips kaya naman ibinalik ko nalang ito at nagpatuloy sa paglalakad.






"Too much sweets" dinig kong sambit ulit niya ng maglalagay sana ako ng mga tsokolate, huminga na lang ako ng malalim saka ibinalik ang mga ito.





"Hindi ka makakatulog sa dami ng kape" sabi niya ng maglalagay ako ng tatlong bote ng original coffee. Umiling na lang ako saka binalik ang isa.





"Still too much" sambit niya kaya naman ibinalik ko ulit ang isa.





"Coke isn't good for your health"sambit niya ulit kaya naman napatingin na ako sa kaniya.





"Alam mo kanina ka pa eh!" Iritadong sambit ko "Its not like your the one who's going to get sick or something" nakakunot noong sambit ko. Itinukod niya ang siko niya sa hawakan ng push cart habang nakapatong ang kaniyang baba sa kaliwang kamay niya.





"What's your course again?"




"Med"




"A nurse?"




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon