Chapter Forty

1.6K 53 12
                                    

Chapter Forty

Napahinto ako sa ginagawa nang makarinig ako ng katok sa pinto. Si Mama ang nagbukas noon kaya nagtago ako sa pader ng kusina at sumilip.

"Good Morning po, Tita." Ani Oliver.

"Oliver, hijo? Anong atin?"

Kitang kita ang dala ni Oliver na bulaklak at isang paper bag. Sumulyap pa sya sa likod ni Mama.

"Manliligaw ka na ba ni Primrose?" Straight forward na tanong ni Mama. Oliver smiled and nodded.

"Well, yes po Tita." He seriously said. "Gising na po ba sya?"

"Naliligo pa. Pasok ka."

"Uh, I have to catch some flight po. Pero can I give this to her?"

Nagtama ang mata namin ni Oliver kaya napasinghap ako at nagtago. Naka-tapis lang ako ng towel naman. Hindi ba uso magtext muna?

"Ako nalang magbibigay." Presinta ni Mama. "But can I invite you over a dinner, hijo?"

"Sure, Tita. I'll make time po."

Ilang saglit pa ay nawala na ang usapan. Pumasok si Mama sa kusina at tinapunan ako ng tingin. I shyly smiled at her.

"Kailan mo pa naging manliligaw si Oliver?"

"Uhm." Kumamot ako sa ulo ko. "Ma, ano..."

"Bakit hindi mo pa sagutin? Prim, hindi pa kita nakikitang magka-boyfriend. Anak, gusto din kitang ihatid sa altar ha."

"Mama! Bakit napunta agad sa kasalan?"

"Gusto ko magsuot ng magandang gown no." Ngumisi sya at inabot sa akin ang bulaklak. "Now I know kung bakit kinausap ni Zild si Oliver dati."

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Mama.

"Ano po? Kinausap ni Kuya si Oliver?"

Kaswal na umupo si Mama sa lamesa kung saan nandoon ang mga papeles nya.

"Yeah, that was three weeks ago?"

"Bakit hindi ko po alam?"

"Ayaw ni Oliver. Actually he contacted me first pero nasa meeting ako, sinabi lang sa akin ni Zild." Binuklat buklat ni Mama ang mga papel. "Do you like him, anak?"

"Mama..."

"Is he the reason why you don't want to be in a relationship before? Kahit pumayag na din naman si Zild dati?"

Humigpit ang hawak ko sa mga bulaklak. Bumaling sa akin si Mama nang wala syang nakuhang sagot.

"No, let me rephrase my question. Do you love him?"

"Mama naman. Ang awkward."

"Mama mo ako, walang awkward awkward sa akin. If you love him, I'm always here at your back okay?"

I pouted and hugged Mama. Tinap nya ang braso ko.

"Bihis ka na. You'll be late on your operations."

"I love you, Ma." I whispered and kissed her forehead.

NGUMIWI ako sa braso kong napuruhan ng balisong. May mga kabataan na namang nanlaban sa amin.

"Ayos ka lang?" Hinila ni Zigi iyong braso ko kaya nasapak ko sya.

"Aray ko!"

"Siraulo ka talaga, Zigi." Iling ni Sandro.

Ngumuso ako habang nilalapatan ng lunas ang sugat sa braso ko. Matamang nakatitig lang iyong dalawa sa akin.

"Thank you, Aimee." Ngiti ko sa nurse na nagasikaso sa akin.

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Onde histórias criam vida. Descubra agora