Epilogue (Part 3)

2.1K 71 7
                                    

Epilogue (3)

I knocked on the door. Bumukas din naman agad iyon at sinalubong ako ng ngiti ni Primrose.

"Are you done, Love?"

"Kunin ko lang bag ko."

Pinanuod ko syang pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin at kinuha ang bag nya. I smirked at myself and stared at her.

Ano ngang nagawa ko in my past life para ibigay sa akin si Primrose?

"Sir?" She snapped. "Halika na."

I slid my arms over her waist and pulled her closer to me. Dinampi ko ang labi ko sa gilid ng ulo nya.

Umalis na din kami agad para hindi tanghaliin sa biyahe. Ngayon iyong schedule namin pagpunta sa bahay, Mama was so eager to know Primrose personally and as my girlfriend.

"Maybe we should buy something? Desserts? Fruits?"

"Kahit huwag na, hindi naman maisip si Mama."

"Sure ka? Daan tayong Home Gallery? Or sa shop ko nalang? Dapat pala nagpabalot na ako ng pastries."

Hinawakan ko ang kamay nya para matigil sya sa mga sinasuggest nya.

"Love, just relax."

She pouted. Huminto ang sasakyan dahil sa stop light, I cupped her face and kissed her. Mas lalo syang ngumuso.

"Paano kung.."

"Hindi maisip ang Mama ko. She's eager to know you, Love."

Kinalabit nya ang ilong ko at ngumiti. There, much better.

••
Pinarada ko ang sasakyan sa grahe namin. Tinagilid ko ang ulo ko at sumulyap kay Primrose.

"Ano ba." Hinilamos nya ang palad nya sa mukha ko at natawa. "Halika na."

Sabay kaming lumabas sa sasakyan. Nakita ko pang sumilip si Oliv sa may pinto. I wrapped my arms on her waist again.

As we entered our house, I immediately saw Oliv smirking.

"Mukha kayong bagong kasal." Puna nya. "Ang blooming ni Prim."

"Oliv." Suway ko.

"Ma, nandito na sila."

Mula sa kusina ay sumungaw ang ulo ni Mama. She's wearing an apron and smiled at us.

Humiwalay ako kay Prim at nilapitan ang nanay ko na nag-effort pa talaga sa lahat. She took a day off for this day. Gusto nya, sya mag luluto ng kakainin namin.

I kissed her forehead. Mama's looking at Primrose on my back.

"Ma."

"Hi, hija. I've known you personally since you're a Lausingco but I'm glad to meet you as Oli's girlfriend." Lumapit sya sa girlfriend ko at hinalikan ang magkabilang pisngi.

"Hello po, Attorney Sullivan."

"Just Tita Ciello. Pasensya ka na at medyo amoy kusina ako. Welcome to our house."

I smiled at Primrose. Hinawakan ni Mama ang kamay nya.

"Feel at home hija. I'll just finished what's cooking."

"Thank you po, Tita."

Mama excuse herself. Nilapitan ko si Primrose, malawak na iyong ngiti nya.

"See, she's not that strict."

"Tawagan ko lang si Ate Tin." Paalam ni Oliv sa amin at lumabas sa bahay.

Pinanuod kong pasadahan ng tingin ni Primrose ang kabuuan ng bahay namin. I just can't help staring at her, that face really gives me some hope and light.

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon