Chapter Thirty One

1.1K 31 4
                                    

Chapter Thirty One

Tiningala ko ang mga kalapating lumipad sa kalawakan. Napapikit pa ako nang may mahulog na isang feather sa mukha ko, I smiled and pick it up.

"There you are,"

I looked back and saw Zigi. Naka-duty kami para sa isang event ng tatakbong mayor sa Pasig. Kilalang pamilya iyon at marami nang natulungan kahit konsehal palang.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinanap talaga kita." I rolled my eyes. He chuckled. "Alam mo, Prim, buti nalang maganda ka kaya kahit nagsusungit ka, ayos lang."

"Wala akong panahon sa mga panlalandi mo." Sabi ko at tumitig sa harapan ko.

Binangga nya iyong balikat ko at tumawa uli.

"Zigi pwede ba?"

"Eto naman. Aayain nga kasi kita sa Elyu. Treat ko naman lahat."

"Anong meron?"

"Birthday ko." Ngumisi sya.

"Pag iisipan ko."

"Ayan, bigyan kita ng one day para mag isip ha."

Hindi ako sumagot at bumalik na sa pwesto ko. Nagpasalamat na iyong tatakbong mayor sa mga dumalong bisita. Hinawakan ko ang baril ko at bumuntong hininga.

Nakaka-antok.

Patapos na iyong event nang maramdaman kong nagvibrate iyong cellphone ko. Si Mama iyong tumatawag kaya kahit naka-duty ako, mabilis kong sinagot iyon.

"Hello, Ma!"

[Prim..]

Agad akong na-alerto nang marinig ko ang hikbi ni Mama. Napabaling sa akin si Zigi.

"Anong nangyari, Ma?"

[Ang lola mo...]

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

"Papunta na ako, Ma."

I ended the call.

"Halika na, I'll drive you there."

Sumunod ako kay Zigi papunta sa sasakyan nya. Nanlalamig ang buong kamay ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa mansyon nina Tito James. My mind went blank, knowing na kapag pumunta ako doon, alam ko na kung anong madadatnan ko.

Nagpasalamat ako ng mabilis kay Zigi at tinakbo ang distansya ni Lola sa akin. Lahat sila ay nasa sala at napatingin sa akin na pumasok.

"Si Lola?"

"She's waiting for you," Ramgiorel motioned me to where Lola is.

Mabilis akong pumasok doon at nang makita ko na si Lola, halos maguho ang mundo ko. She's really weak. Kitang kita ko ang paghahabol nya ng hininga.

"L-lola..." I bit my lower lip.

She turned her head to me. Kahit hirap kita kong ngumiti sya. I reached for her and kissed her forehead. Si Pio iyong nasa gilid nya na mugto na ang mata, inaalo lang sya ng asawa nya.

"I love you, Lola. Thank you for everything..."

"Ang p-pulis ng b-buhay ko..." Dinikit ko ang kamay nya sa pisngi ko. "M-mahal na mahal ko kayo."

"Run free, Lola. Lolo's waiting for you."

Ngumiti sya bago pumikit. Nabingi ako sa straight line at sa iyak ni Pio. My tears fell. Tumayo ako at lumabas.

Lahat sila umiiyak na, pero mas malakas ang iyak ni Pio sa loob.

Si Pio ang hindi maka-usap sa aming mag pipinsan, buti nalang at hindi sya pinapabayaan ni Ate Justine. Sa bahay kubo ang lamay. At doon din ililibing si Lola. Iyon daw ang request nya kay Pio.

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Where stories live. Discover now