Epilogue (Part 2)

1.5K 40 1
                                    

Epilogue (2)

Primrose sent me some cookies on my birthday. Wala naman sa plano ko talaga magcelebrate, alam naman ni Mama iyon. Pero umuwi ako sa bahay para hindi ako mag inom lang buong araw.

Kanina ko pa din tinititigan iyong cookies na pinadala ni Primrose sa bahay. Muntik ko na ngang murahin si Oliv dahil akala ko kung ano na naman itong inorder nya. Pero sa akin pala.

I celebrated Christmas with myself. My family went out of the country, nagtampo pa nga si Mama kasi hindi ako nakasama pero nangako naman akong sa new year ay sa bahay ako uuwi.

"Hoy." Kinalabit ni Celestine ang tenga ko. "Hindi mo pa binibisita ang anak ko. Anong klase kang Tito?"

"I need some strength."

Umirap sya. "Please, napanaginipan ko sya once. He's asking for you." Aniya. "Pero duda ko kung natutulog ka ba talaga."

Tumitig ako kay Celestine. She looks okay now, ang daya naman. Bakit parang ako nalang iyong naiwan.

"I know what you're thinking." Irap nya. "Mahirap pero pinipilit kong bumangon uli kasi iyon ang wish no Kevin sa akin pati na din kay Kiefer. We need to be strong, ayaw nyang nakikita kaming malungkot kasi hindi daw sya mapapanatag."

"Hindi ko kasi alam kung paano aahon. Iniwan ako ni Kevin."

"Tayo. Iniwan nya tayo pero nandito pa din naman sya, he's still your light, Oli." Sumandal si Celestine sa braso ko. "Ayokong nakikita kayong malungkot ni Oliv, kapatid ko kayo at bilang nakakatandang kapatid, I need to look at you two."

Pinisil nya ang braso ko.

"Don't waste your time thinking about what's life ahead. Enjoy your life until it last, Oli."

Ngumiti ako at hinalikan ang tuktuk ng ulo nya.

"I missed Kevin,"

"He misses you also. Pull yourself up, okay? Gusto kong makasakay sa eroplanong ikaw ang nagpapalipad."

I was tempted to visit Kevin's museleo but I backed out. Hindi ko pa din kasi talaga kaya.

Forgive me, Kevin. Your Tito's being a pussy again. Damn.

••

"Ikaw na iyan, Oli. Just focus."

"Is this right, Sir?" Tanong ko.

"Yeah. Mild lang at huwag mong diinan ang hawak tapos kapag ikakabig mo, mahina lang para hindi sumabay sa hangin in case."

"How are you, Prim?" Tanong ko sa likod.

"Good! I'm feeling adrenaline right now! Ang ganda ng mga clouds." Turo nya pa sa labas ng bintana.

"That's the Jomalig. Thirty minuntes before we land." Ani Sir Binong.

This was unexpected. Randomly na si Primrose lang ang sinama ko dito sa class ko for today. Maybe I wanted to be with her even just for one night. Walang halong malisya o ano, plain friendship lang.

"Ready for our land?" Sir Binong asked.

"Yes, Sir."

"Ikaw na, kaya mo na iyan, Oliver."

I did a great job. I hope Kevin saw it. Safe kaming naglanding sa airway ng Jomalig.

"Congrats Sir!" Primrose cheered.

Ngumisi ako, feeling proud. "Hindi ka kinabahan?"

"Why would I? I trust you."

Napangiti nalang ako. "Halika, pasyal tayo sa Jomalig."

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Where stories live. Discover now